Chapter 23: Third Fight!

0 0 0
                                    

Des

"Pinapatawad na kita." Rinig kong sabi niya kaya napanganga nalang ako habang tinitingnan siyang unti-unting umuupo habang nakangiti. Hindi ako halos makagalaw dahil sa gulat nang mga pangyayari. Napatingin naman siya sa akin habang ako ay hindi parin makakilos. "Bakit ganiyan yang hitsura mo? Nakakatawa ka." Nakangiting sabi niya at ako naman ay mas lalong napamaang sa ginawa niya.

"K-Kanina ka pa ba n-nakikinig?" Tanong ko at tumango lang naman ito habang nakangiti parin sa akin. "Galit ka ba sa'kin?" Tanong ko pero umiling lang siya ulit at tumutok sa akin.

So seryoso talaga siya kanina na kailangan ko lang siyang kausapin?

"Bakit ka ba ganiyan?" Tuluyan na akong umiyak kaya naman ay nakita ko kung paanong nagbago ang hitsura niya. Nag-alala ito at tumayo para pumantay sa akin.

"Hala? Huwag kang umiyak, hindi naman kita inaano ah?" Natatarantang sabi nito, pero lalo lang akong naiyak.

"Ikaw kasi eh! Kung sanang hindi lang nawalan nang reaksyon yung mukha mo kanina, eh di sana hindi na ako nag-isip nang masama sa'yo! Tapos ngayon akala ko galit ka, sasabihin mo pinatawad mo na ako?! Alam mo bang natakot ako na baka magalit ka sa akin?! Alam mo bang akala ko pati ikaw eh mawawala din sa akin?!" Sigaw ko dahilan para matigil siya sa pagngisi at mapatingin nang seryoso sa akin. Lumapit naman siya sa akin at ngumiti nang matamis.

"Sorry na ok? Hindi ko naman sinasadya yun. Patawarin mo rin sana ako sa pagkakamali ko. Ayoko ring mawala ka sa akin ok? Ikaw lang ang kauna-unahang naging kaibigan ko, kaya ayoko ring mawala ka sa akin." Paliwanag niya sa akin, kaya napangiti ako. At least ngayon nagkaintindihan na kaming dalawa. Ngumiti ako at ganoon din siya. At dahil maayos na kaming dalawa ay nangako akong hindi ko na kailanman hahayaan na mag-away pa ulit kami. Maliban nalang syempre kung hindi namin maiiwasang magtalo.

"Nga pala... Nag recess ka na ba? Mukhang may fifteen minutes nalang bago ang Mapeh time." Sabi ko at tumango naman siya kaya napanatag na ang loob ko.

"May itatanong lang ako sa'yo... Ano ba 'yang librong hawak mo? Parang pambata. Hindi ko alam na mahilig ka palang magbasa nang mga pambatang kwento?" Tanong niya, kaya naman ay nagpipigil nalang akong sinagot siya.

"For how many times already! Hindi ito kwentong pambata! This is something like a diary. Isa pa, ano 'to?! Naligaw nang lagay sa mga boxes na kailangang i-deliver?! This is a story about someone! Not a childs one." Ok? Medyo naasar ako. Sa kung bakit ba naman kasi pambata pa yung title nang kwento?!

Pero kwento nga ba 'to?!

Dahil sa naisip ko ay binuklat ko ang libro at tiningnan ang nilalaman nito. Mukhang hindi naman ito kwento pala eh. Ngayon ko lang narealize na parang mas mukha siyang diary na ginawang parang story book. Dahil na rin sa nalaman ko ay nangunot ang noo ko.

"Teka... Yokari? Nabasa mo na ba ang diary na 'to?" Tanong ko sa kaniya na ikinatingin niya naman dito. Naalala ko kasi ang sinabi nung librarian kanina.

"Patingin?" Sambit nito at kinuha ang libro. "Medyo...Pero base sa title niyan, mukhang wala naman tayong mapapala diyan. At dahil naitanong mo sa akin, mukhang nakuha ang interest ko nang libro na 'yan. Itatanong ko nga rin sana sa'yo, pero mukhang wala ka ring alam diyan." Sabi niya kaya napakibit balikat nalang ako. Pero naalala ko yung sinabi sa akin nung librarian kanina.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon