Des
"Sir ok lang po ba kayo? Pasensiya na po sa nagawa ko... Hindi ko naman po sinasadya eh." Bungad ko nang makapasok kami sa kwartong kinalalagyan nang maestro namin. Nag-aalala din kasi ako na baka ma expell ako dahil lang sa maling nagawa ko.
"Huwag ka nang mag-alala ija, maayos na ang lagay ko HAHAHA!" Tawa nito habang nakaupo sa kama nito. "Sa ngayon, kailangan ko lang nang konting gamot at makakalabas na ako dito." Dugtong pa nito pero hindi talaga matahimik ang konsensiya ko, kahit na alam ko namang napatawad niya na ako. "Pero..." Napatingin ako dahil sa biglaang pagseryoso nito. "Kailangan mong makontrol ang sarili mo ija."
"Sir? Inulit nyo na po iyan sa pangalawang pagkakataon. Ano po ba ang ibig nyong sabihin?"
"Dapat ay matuto kang alamin ang limitasyon mo, dahil nawawala ka na sa sarili mo at hindi mo na alam ang ginagawa mo, tama ba ako?" Tanong niya na ikinatango ko nalang. Pero na realize ko naman ang isang bagay.
"Pero sir nagtataka lang ako..." Panimula ko, pero kahit nag dadalawang-isip, ay nilakasan ko na ang loob ko. "Sir... Papaano nyo po nalaman ang patungkol sa kawalan ko nang kontrol sa sarili?"
"Naku! Ija, marami ka pang kakaining bigas upang malaman at maintindihan ang lahat. Sa ngayon, palakasin mo muna ang loob mo at magpalakas." Dahil sa sinabi niya ay bigla kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Zyn.
Mukhang tama siya sa sinabi niyang mahina pa ako sa ngayon. Lalo pa at wala akong tiwala sa sarili ko.
Nang matapos kaming makipag-usap kay sir ay nagka sundo na kaming bumalik sa room namin. Mukhang isang subject pa ang hindi ko napasukan dahil lang sa mga nangyari kanina. Lunchtime na ngayon eh, at mukhang hindi nanaman maiiwasan ang mga mapagmatyag na mata sa akin. Andami nanamang nakatingin sa akin eh.
"Sa pagtingin pa lang nang mga tao, walang wala ka na? Ano pa kaya kung makikipag laban ka na? Napaka hina mo." Mahinang sabi ni Yokari na kami lang ang makakarinig, pero nangunot ang noo ko.
"Nani (What)?!" Daig ko pa siguro si Lady Kushina sa palabas na Naruto dahil sa hitsura ko ngayon. Napaka straight forward niyang magsalita kaasar.
"Huwag kang mainis dahil totoo naman kasi. Kung gusto mong lumakas edi simulan mo sa kanila. Huwag kang mailang at palakasin mo ang loob mo sa pamamagitan nang hindi pagpansin sa mga nasa paligid mo." Saad niya kaya naman ay napa-isip din ako na may point naman siya, kaya sinubukan ko ang best ko para iwaksi sa isipan ko ang pagka-ilang. "Pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi ka makikiramdam. Baka mamaya may gusto na palang pumatay sa'yo, mas mainam nang mapagmatyag." Sabi niya kaya napasaludo naman ako habang nakatagilid na nakaharap sa kaniya.
"Yes zer!" Sabay sambit nang mga katagang iyon. Nagulat naman siya sa iniasta ko at nailang kaya kumunot ang noo niya.
"Tch! Bahala ka nga diyan! Masyado kang isip bata." Iniwan ako nito at nauna nang maglakad.
Ano ba namang klaseng tao 'to?! Mang-iiwan pa nang ganun?!
Pero napangisi ako nang may pumasok sa isip ko. Sa bagay, tinulungan niya ako kaya kailangan kong magpasalamat. At dahil tinutulungan niya naman ako aside kay Zyn, ay lulubusin ko na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)