Chapter 29: The School of Aura

2 0 0
                                        

Des

"Dito po ang kwarto niyo Ms. Dessa." Turo sa akin nang isang tagasunod dito sa Animenia, the School of Aura.

Tama kayo nang basa. Andito ako sa isang school kung saan dating nag-aral si Zyn, at iyong tinutukoy niyang school na papasukan ko. Matapos ang insidente kanina, napagpasiyahan naming tumuloy parin sa balak nito, kaya andito ako ngayon, kasama ang isang tagasunod dito at ang sarili ko. Kung nagtataka kayo, nasaan si Zyn? Si Yokari? Hayun, umuwi na sa kani-kanilang bahay at gawain. Habang ako, nandito... Sa isang lugar na hindi ko alam at malayo sa kabihasnan.

Bumiyahe kami nang halos anim na oras, tapos makikita ko ang dahilan kung bakit. Nasa kalagitnaan lang naman kasi kami nang kagubatang hindi ko na matandaan kung saan. Sinubukan ko ngang tanungin kung nasaan ako kanina eh, pero ni isang makausap ko ay walang sumasagot o nililihis nila yung topic. Matapos kasi ang paghatid sa akin ni Zyn dito, ibinilin niya lang na dapat mag-ingat ako sa mga posibleng mangyari dito, sabay alis kasama si Yokari. Kaya kahit nagdadalawang-isip ay tumuloy na ako dito.

"May kailangan pa po ba kayo?" Tanong nang naghatid sa akin sa kwarto ko. Napatingin naman ako dito at napa iling na lamang, senyales na wala na akong kailangan pa. Yumuko nalang ito at umalis.

Sinara ko naman na yung pinto at ni-lock ito, bago ko tignan ang kabuuan nang kwarto. Parang normal na kwarto lang naman ito, medyo malaki sa dorm ko doon sa Shiratori, at mukhang mamahalin ang mga gamit dito. Hindi naman kasi halata sa mala silver-gold nitong hitsura eh. May kalakihan ang kama, kasya dalawa hanggang tatlong tao. Nasa kaliwang part ito. Sa tabi nito sa kaliwa (kung nakahiga ka sa kama) ay may study table, at mukhang kumpleto na ang gamit doon. Sa tabi naman nito ay may veranda at maayos din ang pagkakasabit nang kulay gold nitong mga kurtina. May maliit na mesang bilog sa gitna nito at may tatlong upuan.

Sa kanang bahagi naman, galing dito sa kinatatayuan ko ay may nakita akong pintuan, at sa hitsura nito, mukhang iyon ang comfort room. Mayroon ding sala dito sa loob. May squared glass na mesa, tapos napapalibutan nang mahahabang sofa sa magkabilaan, tapos yung dulo ay singled lang.

May T.V. rin sa dulo nito, kaya natuwa ako. Kahit papaano, may libangan ako dito. Sa tabi naman nang pinto sa veranda, may cabinet doon. Lumapit ako at binuksan ito. Andami kong nakitang damit, at mukhang lahat nang iyon ay bago lang. Mga magagarang damit, meron ding mga uniform na may sagisag nang school. Namangha ako sa lahat nang nandito. Ang ganda kasi. Halos lahat nang bagay ay sinaunang style, pero hindi parin mawawala ang modernized vibe nito. Pumunta muna ako sa veranda at naupo doon. Saktong may hangin na bumuga at sobrang sariwa nito kaya napasinghap ako habang nakangiti.

Napakatahimik, pero ang sarap sa pakiramdam.

Sambit ko, at tumingin sa paligid ko. Ang daming halaman sa paligid at iba-iba ito nang uri, kulay at shape. May maliit, may matataas, pero ang gandang tingnan. Hindi magulo at nakakaginhawa. Ang ganda na nga sana nang upo ko dito, nagmumuni-muni, nang biglang may kumatok sa pinto.

"Ms. Dessa?" Tawag sa akin nang isang pamilyar na boses, kaya lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ito.

"Ano'ng maitutulong ko?" Tanong ko at ngumiti nang matamis, kaya nagulat siya. Napakurap naman ako sa reaksyon niya.

"Ahhh... P-Pinapatawag po kayo nang dean sa o-office niya p-p-po." Halos utal na sabi niya kaya kamuntikan na akong matawa. Ang cute kaya nang reaksyon niya. Ang weird nga lang kung bakit ganun, pero ang cute.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon