Des
"Good morning class. Today, we will gonna have a new student. A transfer student. Ms. Dessa? You may now come inside." Sabi nang teacher namin at iyon ang naging hudyat para pumasok na ako. "Please introduce yourself." Sabi nito at nakangiting tumango.
"Ohayou Gozaimasu, watashiwa Dessa Inocencio. Yoroshiku onigaishimasu (Good morning, I am Dessa Inocencio. It's nice to meet you all)." Bati ko sa lahat at ngumiti. May mga ngumiti din naman pabalik, pero meron ding ang sasama nang tingin sa akin. Yung mga babae sa pangalawang line, magkakatabi pa sila tapos ang sama nang tingin sa akin. Hindi ko na sila pinansin dahil ang mas nakakuha nang atensiyon ko, ay iyong lalaki sa pinaka likod na nakatingin lang sa labas at babalik ang tingin sa notebook.
Weird.
Sabi ko nalang sa isipan ko at tinignan ang iba pang mga reactions nang lahat.
"It's also nice to meet you Ms. Dessa. You may now sit down. Just pick any place that you are comfortable with and we'll start my class."
"Hai! (Yes!)" Parang batang sabi ko. Tumingin-tingin muna ako sa paligid and then I made up my mind at last.
Lumapit na ako sa gusto kong puwesto.
Hindi naman siguro masama kung doon ako uupo diba? Hihi!
Para akong bata na lumapit sa upuang gusto at tinanong ang naka upo sa tabi nito.
"Pwede makiupo?" Napatingin naman ito sa akin, pero parang wala siyang paki-alam. Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa at tumingin na ulit sa labas nang bintana. "Ehhh... Ok, mukhang sang-ayon ka naman eh." Sabi ko at inilagay na yung gamit ko sa ibaba at naupo na. Nagulat yung buong klase sa naging reaction ko kaya nagtaka ako.
Bakit kaya sila ganito?
At ayon nga, nagsimula na yung klase namin sa math. Madali nalang ito para sa akin dahil napag aralan na namin ito sa totoong school ko. Pero kahit ganoon ay nakinig nalang ako, dahil wala naman akong ibang magawa.
"Ms. Dessa? Can you please answer this problem?" Sabi nang maestro kaya tumayo na ako at lumapit na sa harap. Sinagutan ko na ito at walang lingon-lingon ko itong ginawa. Sunod-sunod ang naging galaw ko hanggang sa matapos ito at inilagay ko na ulit sa chalkbox ang ginamit na chalk at babalik na sana sa upuan nang magsalita ulit ang teacher namin. "Please elaborate why you came up with that answer." Sabi nito kaya tumango ako at nakangiting ipinaliwanag sa lahat isa-isa at wala akong nilampasan. Walang labis, walang kulang kumbaga.
"And that is how I got the answer." Sabi ko at kita ko naman sa mga mukha nila ang pagkamangha. Pati narin sa mukha nang teacher ko. Ngumiti nalang ako habang naiilang.
"Thank you Ms. Dessa, you may now take your seat."
"Thank you sir." Saad ko at habang pabalik sa upuan ay pumalakpak ang lahat. Hindi naman na ako kumibo dahil kinakabahan ako grabe! Ngayon ko lang naramdaman 'to. Anyway, tama naman talaga ang sagot ko, pero nagsalita ang teacher ko dahilan para mapatingin ang lahat sa akin at sa katabi ko.
"Mukhang meron ka nanamang bagong katunggali sa pagsungkit nang best in Math ngayon Mr. Yokari." Sabi nito kaya napag alaman ko kung sino ang pinakamatalino dito. Napatingin naman kasi sa pwesto namin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficțiune generalăAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)