Chapter 41: Teamwork

1 0 0
                                        

Zyn

"Isang kaibigan." Dahil sa narinig naming sinabi ni Yokari ay napatingin kami sa kaniyang lahat. Nakayuko siya at hindi ko makita kung ano nga ba talaga ang reaction nang mukha niya, pero kung pagbabasehan sa boses niya... Parang nanginginig? Takot ba siya? Galit?

"Ha! Ang prinsipe nang kadiliman? Naghahanap nang isang kaibigan?! Talaga namang pinaglololoko mo kami ano? At kelan ka pa nagkaroon nang kaibigan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Heilm, kaya napakunot ang noo ko.

"Excuse me? Dalawa kaming kaibigan ni Yokari dito ha? Baka nakakalimutan niyo?" Pairap kong sabi, pero napasinghal lamang si Heilm dito.

"Obvious namang kaibigan niya kayo dahil may kailangan siya. Pero sinasabi ko sa inyo, kapag nakuha na niya ang gusto niya, iiwan niya rin kayo-"

"Paano ka nakakasigurong iyon nga ang gagawin niya?" Putol na tanong ni Celestair sa babaeng kausap namin. "Kilala mo ba siya? Sino ba ang mas matagal na nakasama niya? Kayo ba o kami? Kung makapagsalita ka, akala mo kilala mo talaga siya, ni hindi mo nga alam ang sinasabi mo." Natahimik ang babae sa sinabi ni Celestair, kaya halos matawa ako sa reaction niya.

"Let me get this straight..." Sambit naman ni Harris. "Ang anak mismo nang reyna nang dark sider ang gustong magpa bagsak sa kaniya? Bakit?" Tanong nito, kaya kami naman ngayon ang natahimik. "Tch! Sabi ko na nga ba eh. Ginagamit niya lang kayo-"

"Dahil gusto ko nang wakasan ang kasamaan ni mama." Biglang sagot ni Yokari, kaya natahimik ang lalaking nagtanong. "Mali ang kinalakihan kong ugali niya. Mali ang pagkakakilala ko sa kaniya... Akala ko mabait siya, pero malalaman ko nalang na ginamit niya ako para pumatay. Hindi ko kayang manahimik nalang... Kaya nga-" Tumingin siya sa amin na parang nakangising galit. Nakakatakot ang hitsura niya. Kinilabutan ako, kaya napa atras ako, pati ang mga kausap namin ay napa atras na rin at inihanda ang sarili nila. "Ako mismo ang papatay sa kaniya. Ako mismo ang tatapos sa kasamaan niya. Babawiin ko sa kaniya ang kinuha niya sa akin." Nakakatakot ang ekspresyon niya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Yokari. Seryoso siya sa sinasabi niya.

"Huminahon ka Yokari. Baka hindi mo mapigilan ang sarili mo." Pigil sa kaniya ani Celestair at unti-unting lumapit sa kaibigan namin. "Hahanapin pa natin siya hindi ba? Kaya huminahon ka muna, at mag-isip tayo nang paraan." Dahil siguro sa narinig niya ay nagugulat nalang na napaupo si Yokari.

"A-Ano'ng..." Napahawak siya sa ulo niya at napatingin sa amin. Nakita ko sa mga mata niya ang takot at pagkalito.

"Yokari? Ayos ka lang ba?" Kaagad na tumakbo sa kaniyang tabi si Celestair, kaya pati ako ay napalapit na rin doon. Pero nang may maalala ako ay kaagad akong humarap sa dalawang kausap namin at nagsambit nang spell.

"Vine stopper!" Sambit ko at kaagad na may lumabas mula sa ilalim nang lupa na mala lubid na nga tanim, dahilan para ma out-balanced ang dalawa, kaya napangisi ako. Kaagad naman silang napalibutan nang mga vines, kaya hindi na sila nakapalag. Siniguro ko rin na hindi sila makakapagsambit nang kahit na anong spell at itinali nang maayos ang kamay nila. Matapos ay kaagad akong dumalo sa mga kaibigan ko. "Yokari." Tawag ko at napatingin naman siya sa akin.

"Pasensiya na kayo... Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko." Sambit nito habang hindi makapaniwalang napapatingin sa dalawa. "Silang dalawa... Hindi sila kalaban." Turo niya sa mga ito, kaya napakunot ang noo ko.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon