Third Person
(After 3 years)"Covid outbreak! Marami na ang nagpositibo, pero inaassure naman nang ating gobyerno ang lahat na gumagawa na rin sila nang paraan para makahanap nang lunas dito. Sa ngayon ay patuloy nating pairalin ang social distancing, tamang pagsuot nang face masks tuwing lalabas at ang tamang paghugas nang kamay." Habang nanonood nang T.V. ay nanonood ang pamilya Inocencio nang balita.
"Grabe talaga ano? Lumalala na talaga ang virus na 'yan." Dismayadong ani nang ilaw nang tahanan.
"Tapos halos lahat pa nang tao eh sinisisi sa gobyerno ang mga nangyayari, samantalang hindi rin naman inaasahan nang gobyerno ang ganiyang kaso." Sambit din nang haligi nang tahanan, at nakikinig lamang ang magkakapatid dito.
Si Dessa naman ay nag-aalalang napaisip sa mga kaibigan nito sa Animenia.
Ok lang kaya sila doon? May sakit din kayang kumakalat sa dimensyon nila?
Nag-aalalang tanong niya at napatingin sa pamilya nito. Naisip din kasi nito na bisitahin ang Animenia, pero alam niya namang hindi na siya papayagang lumabas, lalo pa at ala siyete na nang gabi, pero hindi iyon naging hadlang upang mapigilan siya sa binabalak niya. Lalo pa at may naisip siyang gagawin. Madali niyang tinapos ang kinakain at lumabas.
"C.R lang ako saglit." Usal nito at lumabas nang bahay nila. Luminga-linga ito sa paligid, at nang mapansing wala namang nakatingin sa kaniya ay ginawa niya na ang binabalak niya. "YinYang's ressurection." Pabulong na usal niya at nagkaroon kaagad nang pagbabago sa kamay niya. Lumitaw ang Yin at Yang, kaya napangiti siya nang malamang hindi parin pala ito nawawala sa kaniya.
Ako ang guardian deity.
Ika niya at kaagad na itinutok ang kamay sa bahay nila. Kaagad namang nalibot nang awra niya ang buong bahay, kaya sinambit niya ang spell.
"Memory forgotten." Usal niya at hindi naman nagtagal ay biglang nawala ang awra sa kamay nito na ikinangiti niya nang malungkot.
Pasensiya na kayo ha? Babalik naman ako ulit eh.
Sambit niya at kaagad na umalis sa bahay nila. Pumunta siya sa lugar kung saan walang tao at tumingin sa paligid niya. Nang masiguradong wala nang tao sa paligid na makakakita sa kaniya, ay isinagawa niya na ang plano.
"Lagusan ay buksan...
Ako ay dalhin...
Sa mundo na siyang kinagisnan." Sambit niya nang maalala niya ang sinabi ni Zyn noon, para makapunta siya sa Animenia. Dahil na rin sa spell ay nagkaroon nang konting malakas na liwanag at nang tignan ni Dessa ito matapos ay nagtagumpay siya. Dahil nakita niya ang portal na magdadala sa kaniya iyon.
Katulad din noong una ay wala siyang ibang nakikita sa loob kundi mala whirlpool na hitsura at kulay itim, kaya ang ginawa niya ay pumikit nalang bago pumasok sa loob.Hindi naman inabot nang sampung segundo nang maramdaman niya ang malamig na dampi nang hangin sa kaniyang balat, kaya iminulat na niya ang mata niya. Napangiti na rin siya nang makita ang lugar na nilabasan niya.
Eto din yung lugar na iyon.
Nakangiting sambit niya nang maalala ang unang engkwentro nila ni Tendo Satori, bagong dating siya sa Animenia. Kaagad naman siyang lumabas sa eskinitang iyon at napatingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Fiksi UmumAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.