Third Person
Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang hindi inaasahang pagsabog sa eskwelahan nang awra. Unti-unti nang nawalan nang pag-asa ang tatlo, dahil iniisip nila na tama nga siguro ang sinabi nung matandang naka usap ni Zyn. Isa pa, ay wala silang naging konting lead man lang patungo sa tagumpay nila. Kaya minabuti na nilang kalimutan si Dessa at isipin na muna kung paano nilang mapipigilan si Daikara sa masasamang binabalak nito. Nang sila lang. Dumagdag kasi ito sa isipin nila nung maka usap nito si Yokari. Nang malaman kasi nito na hindi na nila kasama si Dessa ay parang mas lalo itong nakampante, at tuwing gabi, ay hinahayaan nito ang mga kampon niya na lumabas at magsaya, kaya araw-araw ay walang ibang natatagpuan ang tatlo kundi purong bangkay nang mga inosenteng tao.
"Ano na ang gagawin natin? Lumalala na ang ginagawa niya. Hindi na ito maganda." Nag-aalalang tanong ni Zyn habang kinakagat ang kuko nito sa hinlalaki.
"Dapat makapag isip tayo kaagad nang pwedeng panglaban sa kaniya, bago pa man niya maubos ang mga tao dito sa Animenia." Usal naman ni Celestair, kaya natahimik ang dalawa.
"Sa kung bakit ba naman kasi dumagdag pa siya sa isipin natin?!" Parang nag ngangalit na dragon si Yokari nang maalala nanaman niya ang pinaggagawa nang ina niya.
"Kumalma ka Yokari, kailangan nating mag-isip nang paraan, at hindi makakatulong kung uunahin mo 'yang galit mo." Pigil sa kaniya ni Celestair, kaya sinubukan niyang kumalma at inisip nalang na isa lang itong maliit na problema. Pero kahit ano'ng pagpipigil ang gawin niya ay hindi talaga ito tumatalab, kaya sa huli, ay napagpasiyahn niyang umalis na muna.
"Magpapahangin lang ako sa labas. Malay niyo, makahanap ako nang solusyon sa problema natin." Usal niya at katulad nang palagi niyang ginagawa, ay basta nalang siyang umaalis nang hindi man lang hinihintay ang sagot nang dalawa nitong kasama.
Tuluyan na nga siyang lumisan at bumalik ulit sa lugar na palagi niyang pinupuntahan. Ang hardin nang Shiratorizawa Academy.
Matapos kasing umalis si Dessa sa eskwelahan ay wala na siyang ibang pinupuntahan pa kundi ang hardin. Iyon lang kasi ang natatanging lugar na nagpapasaya sa kaniya, at higit sa lahat, ay ito lang ang lugar kung saan niya nakilala nang mas malalim si Dessa. Kaya kapag wala siyang ibang ginagawa, ay dito siya nagpupunta. Tinitignan niya ang damong kinaupuan nang babae noon at hindi niya mapigilang hindi mapa ngiti dahil sa magandang ala-alang ibinigay nito. Pero ang ngiti niya na iyon ay napalitan lamang nang lungkot nang maalala niyang muli na hindi niya na ito makikita. Na hanggang ala-ala nalang ang lahat. Na hindi na sila magkakasama pang muli. Dahil dito ay kaagad niyang nilisan ang hardin at nilisan ang eskwelahan. Simula rin kasi nang mawala si Dessa ay hindi na ito muling pumasok pa sa eskwelahan at idinahilan nalang nitong lilipat na siya nang paaralan na kaagd namang tinugunan nang paaralan, dahilan nang paglisan niya. Ngunit hindi ito alam ni Daikara, at hangga't maaari, ay ayaw niya itong malaman nang ina niya, dahil natatakot siya na baka isipin nang ina nito na kumukontra na siya dito, na siya rin namang tama.
Nang makalabas sa eskwelahan ay pumunta muna siya sa parke. Naisip niya rin kasi na ipahinga ang isipan sa mga kaganapan. Kahit na mahirap para sa kaniya ang mag relax, ay sinubukan niya parin.
Ito nalang ang naisip kong paraan para hindi ako mabaliw sa mga isipin na ito.
Wika niya sa kaniyang isipan habang tinitignan ang mga tao sa paligid. Ang bawat reaction, kilos at mga bagay na pwedeng mapansin sa isang tao. Nililibang niya na lang kasi ang sarili niya dahil gusto niya munang kumawala sa lahat nang problemang meron siya. Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa parke. Pagkapasok niya pa lamang sa bungad ay mapapansin niya kaagad ang dami nang tao sa paligid. May mga kumakain sa sulok, may bumibili, may nagtatawanan na parang wala nang bukas, may mga batang naglalaro sa palaruan, at mayroon ding mga taong nakaupo lang at pinagmamasdan ang iba. Dahil sa nasaksihan niya ay medyo gumaan ang pakiramdam niya. Dagdag pa ang malamig na hanging dumadampi sa balat niya na parang henehele siya sa pagtulog. Kaya naisipan niyang pumunta sa isang bakanteng bench sa tabi nang dalampasigan at naupo na muna doon. Sumandal siya at tumingin sa papalubog na araw.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficção GeralAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)