Des
Hindi ko ini expect na taliwas sa inisip ko kanina ang mga mangyayari ngayon. Ang daming tao dito at lahat sila ay inaakala na mga artista kami ni Zyn at ayaw lang daw naming umamin. Ang nakakairita pa doon, yung mga lalaki ay nagpupumilit na makipag date daw kami. I mean seriously?! Iniisip nilang artista kami, pero gusto nilang makipag date?! Ano na ba'ng nangyayari sa utak nang mga tao dito?
"Please pumayag ka na. Hindi kita bibiguin, promise." Malanding sabi nung lalaki na medyo matangkad, maputi, mahitsura naman. May mata, may ilong, may bibig... What I mean is, pogi siya, pero sorry nalang siya dahil mas pogi si Yokari sa kaniya.
Wait what?!
Napatigil ako sa iniisip nang ma realize ko yung sinabi ko.
Ano ba naman?! Kung ano-ano na tuloy iniisip ko.
Sabi ko at ngumiti lang sa lalaki na hanggang ngayon ay nagpupumilit parin sa gusto niya. Todo tanggi naman ako, dahil wala talaga akong interest sa mga lalaki. Lalo na ngayong may misyon ako dito sa dimensyon na 'to. Wala akong oras sa mga lalaki. Baka maging nuisance lang sila in the future sa akin, kaya my answer will be a big NO for them.
"Sige na, pa hard to get ka pa eh." Nang-aasar pang sabi niya at inakbayan pa ako.
Wow lang kuya ha! Close tayo ha? Close tayo?
Nangunot yung noo ko sa ginawa niya. Sinubukan kong alisin yun, pero mukhang ayaw niya eh.
"Ano ba'ng kailangan mo sa akin? Tantanan mo na nga ako!" Bulyaw ko na ikinatingin nang lahat sa amin. Pati si Zyn na naiirita na rin ay napatingin na sa gawi ko.
"Tch! Ang arte mo naman? Parang isang date lang ay." Pang-aasar pa nung lalaki, pero napasinghap nalang ako nang hangin.
"Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay. Isa pa, may importante akong ginagawa ngayon." Sabi ko at itinabig na nang malakas yung kamay niya, kaya naman ay tuluyan na itong natanggal sa akin. "Tara na Zyn. Baka maka sapak ako ngayon, naiinis na ako." Sabi ko at hinila na yung kasama ko. Hindi naman na siya pumalag, kaya nagsimula na kaming umalis, pero hinawakan nung lalaki kanina yung pulsohan ko para pigilan ako sa pag-alis.
What now?!
"Ang tapang mo naman ata? Papalag ka ba?" Tanong niya, pero hindi na ako sumagot at nanatili na lamang sa kinatatayuan ko. Sinusubukan ko ring pumalag nang mahina sa pamamagitan nang pag-ikot ko sa pulsohan ko, pero pahigpit lang nang pahigpit ang paghawak niya dito kaya sumasakit. Nabigo ako. Hindi ako makaalis dito, at medyo umiinit na yung kamay ko sa higpit nang pagkakahawak niya sa akin.
"Lumaban ka na!" Rinig kong sigaw nang boses. Hindi ko masabi, pero pakiramdam ko naiinis ito, medyo may kataasan kasi ang boses nito eh. Pero malay mo, ganoon lang talaga siya magsalita? Malay ko ba naman. Di ko pa naman kasi alam kung ako lang ba or talagang naririnig ko talaga siya. I'm not really sure dahil hindi naman siya palaging nagsasalita. She only comes out when I am in this kind of trouble.
How? I can't just use my magic here. Baka mamaya hindi kami pasakayin sa train. O baka isipin nang lahat na mga demonyo kaming nagkatawang tao lang!
Saad ko, pero napa 'tch!' lang ito. Sabay sabing duwag daw ako. Aba naman?! I'm just protecting myself from selfish people. Baka mamaya kapag nakita nila ako, hulihin ako nang mga baliw na scientists at pag experimentohan ako, and worse... Baka madamay si Zyn na ayaw ko namang mangyari.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Genel KurguAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.