Chapter 45: Yokari's Aura (Yin), Celestair's Revamped Mode

1 0 0
                                    

Third Person

"Sumuko na kayo, dahil wala na rin naman kayong pag-asang manalo!" Nang-i intrigang sambit ni Daikara habang kinakalaban si Celestair. "Ikaw Avem! Alam ko na alam mong matatalo na kayo, so bakit hindi mo pa gamitin ang kakayanan mong makita ang future, para maniwala ang dalawa mo pang kasama?! Nag sasayang lang kami nang oras sa inyo eh!" Dugtong pa nito at iwinasiwas ang hawak na espadang gawa sa dugo niya. Nasalag naman ito si Celestair sa pamamagitan nang cloud stopper.

Napaisip din naman si Celestair sa sinabi ni Daikara. May punto naman kasi ito, lalo pa at wala na si Dessa, na siyang tanging pag-asa nilang lahat. Nawawalan na rin siya nang lakas sa pagsalag sa kalaban niya, kaya habang patagal nang patagal, ay patindi nang patindi ang nagiging tira ni Daikara sa kaniya.

"Celestair!" Nagulat siya nang marinig ang sigaw ni Heilm. Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsalag kay Daikara. "Alam ko kung ano ang iniisip mo! So what kung wala sa si Dessa?! Huwag mo sabihing porque wala na siya eh susuko ka na? Ganoon ka ba kahina? Sorry if I have to say this, pero kung ganiyan ka aasta, madi dissapoint lang sa'yo ang mag kambal!" Sambit nito, kaya nalungkot siya. Patuloy naman sa pakikipaglaban si Heilm kay Hokaku. "Lumaban ka! Ipagpatuloy mo ang nasimulan mo! Tapusin mo hanggang dulo, gawin mo ang best mo!" Dugtong pa nito.

"Sang-ayon ako sa sinabi niya! Isa pa, kung gusto mong bumalik ang lahat sa dati, talunin mo siya. Iyon lang ang paraan upang mawala ang sumpa niya kay Yokari." Nang marinig ang pangalang sinambit nang huli ay nabuhayan siya nang loob. Nagkaroon nang malakas na pagdaloy nang dugo sa sistema niya.

"Para sa mga kaibigan ko! Para sa Animenia!" Sigaw niya at nagkaroon nang liwanag sa buong katawan niya. "Hindi ko bibiguin ang mga kaibigan ko! Lalo na si Yokari!" Nagbago ang kulay nang mata nito. Kung normal na kulay lang ito dati, ngayon ay sobrang umiilaw na ito nang puti. Yung damit niya naman ay nagbago rin. Naging purong puti ito na sa sobrang kintab ay nakakasilaw. Sa kamay niya, makikita ang mala bilog na ilaw na hindi niya binibitawan. Lumutang na rin ito.

"Ano'ng-?!" Hindi makapaniwalang napatingin ang reyna nang kasamaan sa kaaway nito. Pero nang maalala niya ang antas nito ay napangisi siya. "Kung ganoon, sa'yo pala napunta ang awra nang ulap? Magaling, dahil hindi rin naman magtatagal at mapapasa akin na yan." Humagalpak ito nang tawa, pero hindi natinag si Celestair.

"Over my dead body!" Galit na sigaw nang lalaki. "Cloud repulsion!" Dahil sa sinambit na spell ay nagkaroon nang pagbabago sa ulap. Sumama ito at umitim. Nagkahiwa hiwalay din ito at naging hugis patalim. "Aspire!" Nang sambitin ang huling kataga ay sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga matatalim na ulap, kaya nagugulat na umiwas si Daikara dito.
Pati ang iba ay todo iwas na rin, dahil alam nila na hindi ito ordinaryong ulap lang na bumabagsak.

"Yokari! Cover me!" Sigaw kaagad nang reyna, kaya kaagad siyang dinaluhan nang anak at ginamitan nang smoke cover na ngayon ay ibang-iba na ang kulay. Kung kanina ay itim ito, ngayon ay dark violet na, at imbes na manatiling usok ay naging parang glass ito.

"Sa tingin mo ba mapipigilan mo ang tira ko Yokari?! Kailangan mo nang mas malakas na mahika kesa diyan!" Hindi naman nagyayabang ang boses niya. Pero dahil sa galit niya sa reyna ay parang hindi na niya makontrol ang emosyon niya.

"Hindi mo pa kasi nakikita ang totoong lakas ko. Smoke cover revamp!" Saktong nang tumama ang cloud repulsion ay naging sing tigas nang pader ang smoke cover ni Yokari, kaya napangisi ito.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon