Des
"Huwag ka nang umastang ganiyan Hana. Baka lumipat pa nang ibang grupo 'to." Sagot naman ni Semi sa kaniya kaya napatingin ako dito. Seryoso parin ang hitsura nito at katulad nang napapanood ko about sa kaniya ay parang wala lang siyang masyadong paki alam sa paligid niya.
"Ano ba naman 'yan Semi-kun... Masyado kang seryoso." Bigla namang umentrada si Tendo sa usapan na ngayon ko lang din napansin, kaya napatingin ako sa paligid.
Eh?! Lahat sila nandito?! Pero akala ko ba magka-iba ang gym na gamit nila?
Nagtataka ako sa mga nakikita ko ngayon. Napaka unusual kasing makita na magkasamang nagpa praktis ang team nang Volleyball girls at boys nang Shiratori. Pero naisip ko rin naman na baka naman nagkataon lang ang lahat.
"Oo nga senpai. Alam mo namang nagbibiro lang ako." Nakangising sabi naman nung babaeng nagtanong sa akin kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay Hana ang pangalan niya. "So... Ikaw ba yung bagong student?" Tanong nito na ikina tango ko lang. "At gusto mong sumali sa Volleyball team?" Tanong pa nito na ikinatango ko ulit. Lumapit naman si coach Washijo sa amin at tiningnan ako sa mata. Nilabanan ko naman iyon at sa huli ay siya ang unang tumaliwas.
"Mukhang matapang ang isang ito ha? Sige ako na mismo ang tatanggap sa'yo. Ano'ng posisyon mo?" Tanong nito kaya nabuhayan ako nang loob.
"Li-Libero po." Sambit ko at medyo napalakas naman ang boses ko kaya sa sobrang hiya ko ay napayuko nalang ako.
"Siya, kung ganoon, magbihis ka na at mag praktis na kayo. Wala akong oras sa daldalan, lalo pa at may laban ang girls team ngayong darating na miyerkules." Saad nito kaya kahit na hindi ko talaga alam ang gagawin ko o sabihin na nating, hindi ko alam ang susunod na kilos ko ay pumunta nalang muna ako sa manager at hiningi ang uniform. Hindi naman ito nagdalawang isip na magbigay sa akin at sinamahan pa ako nito sa C.R. para magbihis.
Simple lang naman ang uniform nang team. Kulay purple na sando lang ito at iyong pang-ibaba naman ay short na hanggang taas lang nang tuhod, kulay purple din syempre. Buti nalang ay may cycling ako, kasi sobrang ikli nang short. Isa pa ay naglagay ako nang itim na stretchable sa mga braso ko para komportable akong gumalaw at kneepad na rin. Number four ang nakuha kong number at kung sineswerte ka nga naman. 2004 ako eh HEHEHE! Isa pa, may isang character sa sport anime na number 4 din at fav ko siya, kaya swerte talaga.
Anyway, nang matapos akong magbihis ay nagmamadali na akong bumalik sa gym at buti nalang ay hindi pa sila nagsisimula.
"Tch! Ang kupad mong kumilos! Hindi ko kailangan nang mabagal sa team na ito!" Sigaw nang coach namin kaya napapahiyang tumakbo nalang ako.
"Sorry po!" Sambit ko at hindi na niya ito pinansin.
"Ibigay niyo ang best nyo sa bawat game ninyo team. Isipin ninyong palagi na malakas ang kalaban at para manalo kayo ay kailangan nang teamwork! Ipakita niyo ang teamwork nyo!"
"Hai (Yes)!" Sabay-sabay naming sabi at ipinuwesto na kami sa court. Mukhang siniseryoso nila ang lahat. Biruin mo? Ipinasok kaagad ako sa game, para daw makita nila ang kakayahan ko.
Hindi naman nagtagal ay pumito na ang referee at tumira na ang kalaban. Nakalimutan kong sabihin na ang kalaban namin ngayon ay ang boys team nang Shoratori, which is, yung team nila Ushijima-san. At kung mamalasin ka nga naman eh nasa game pa talaga siya at siya ang unang titira.

BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.