Chapter 21: Hater or Basher?

1 0 0
                                    

Des

Natapos na rin sa wakas ang activity at oras na para sa science namin. Katulad kahapon, natahimik na ang lahat at hindi na sila nag-ingay. Naayos na rin ang mga kagamitan sa loob nang room. Saktong napaupo na ako nang pumasok ang guro namin sabay pakuha nito nang one fourth paper sa amin. Sinunod naman na namin ito at kahit na alam kong nagre reklamo na ang mga kaklase ko sa utak nila, nakakatakot paring sabihin iyon at baka i-zero pa tuloy kami kapag nagkataon.

"Mr. Yokari? Exempted ka sa quiz natin ngayon. Pwede ka nang mag recess nang maaga kung gusto mo." Masaya pang saad nito kaya lahat nang nasa loob nang room maliban sa akin ay napatingin sa katabi ko. Nakatingin lang naman kasi ako sa teacher namin ngayon at gusto ko siyang tanungin.

"Pero bakit po? Wala naman po ako'ng ginawa para ma-exempt ngayon." Sabi naman ni Yokari, pero sinagot siya ulit ni mam.

"Dahil nakasagot ka sa tanong ko kahapon, automatic na exempted ka na. Sorry kung hindi ko naisabi sa'yo. Sige! The rest sagutan ang ipa paskil ko sa board." Saad nito at may idinikit na nga sa blackboard. Magsasagot na sana ako nang pigilan ako nang katabi ko sa pamamagitan nang paghawak sa pulsohan ko. Napatingin naman ako sa kaniya. Mukhang seryoso siya, kaya hinayaan ko nalang.

"Ma'am, kung ganoon po, Exempted din si Ms. Inocencio ngayon, hindi po ba?" Tanong nito na ikinatingin naman nang lahat sa amin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Nakakakuha na siya nang atensiyon!

"At bakit ko naman gagawin 'yon aber?"

"Baka lang naman po, nakakalimutan niyo na nakasagot din siya sa inyo kahapon." Paalala ni Yokari sa kaniya kaya naman ay napayuko nalang ako. Pero grabe! Pakiramdam ko tuloy eh ang sama nang tingin sa akin nang lahat.

Aish! Kainis talaga! Ayoko nang ganito!

"Hmm? Sabagay, tama ka nga. Sige, to be fair with you, Ms. Inocente... Pwede ka na ring mag early break." Saad nito na ikinakunot nang noo ko lalo.

Ano daw?! Ms. Inocente ba kamo?!

Hindi nalang ako nang ingay at yumuko nalang, pero hinila ako ni Yokari palabas nang room at bago niya ito isara ay nagsalita siya.

"Correction lang po mam. I-no-cen-cio po, hindi po inocente." Sabi niya at tuluyan nang isinara ang pinto, sabay alis nang hindi man lang ako pinapansin.

Taragis 'to?! Isasama ako palabas nang room tapos iiwan lang din ako kalaunan?! Saan ako pupunta?

"Oi! Teka lang, saan ka ba pupunta?" Tanong ko, pero hindi siya sumagot, kaya naman ay hinayaan ko na siya at sumunod nalang sa kaniya.

"Hindi mo ako kailangang sundan. Pwede ka namang pumunta kahit saan basta huwag ka lang gumawa nang gulo." Sabi niya na ikinataas nang kilay ko.

"At sa tingin mo ba hindi ako makakapanggulo ngayong hindi ko pa naman alam ang halos lahat nang pasikot-sikot dito?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Totoo naman kasi, ang alam ko lang ay ang daan papunta sa room at sa canteen. Pati na rin syempre sa gym.

"Tingnan mo nalang ang map nang school, na nasa pintuan nang canteen. Kumpleto na ang lahat dun." Sabi niya at tuluyan na akong iniwan. Napabuntong hininga nalang akong sumunod sa sinabi niya at pumunta na muna nang canteen. Isa pa, nakaramdam ako bigla nang gutom, kaya bibili muna ako nang rice cake at kukuha nang bear brand sterilized sa machine para malagyan man lang yung tiyan ko, pansamantala.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon