Des
Nagising ako mag-a alas otso na nang umaga, pero pakiramdan ko hindi pa rin ako kuntento sa tulog ko. Parang gusto kong mahiga nalang dito hanggang sa tumayo ang sarili kong katawan nang kusa. Pero dahil naalala ko ang nangyari kahapon, parang bigla akong nabuhayan nang loob at umupo kaagad.
Silver...
Tanging naisip ko lang at tuluyan nang umalis sa kama. Pumili nang damit sa closet at naligo na. Habang naliligo ako ay naisipan kong makipag sparring ulit kay Celestair, pero sa pagkakataong ito, ako na at hindi si Silver ang makikipag laban. Naisip ko rin kasi na... Kung totoo man ang sinasabi nilang ako ang nakakakontrol sa pinakamalakas na bato na siyang kapangyarihan nang kambal ko ay wala nang iba, at wala akong imposibleng hindi magagawa... Susubukan ko nalang kahit na hindi na ako matutulungan ni Silver. Para rin naman sa akin ito eh. Para masanay ako at hindi na umasa pa sa kanila. Isa pa, ayoko na ring maging mahina.
Anyway, nang matapos akong maligo ay simpleng damit lang naman ang sinuot ko. Sweater na kulay black at short lang na kulay black din, tapos converse yung sapatos na kulay black, ok na. Itinali ko sa high ponytail ang buhok ko matapos gamitin ang hair blower, at hinayaan ang maliliit sa gilid nang tenga ko na lumambitin lang, tapos hindi rin maiwasang hindi ako maglagay nang konting kolorete sa mukha, medyo nasanay na rin kasi ako na nilalagyan ni Zyn, kaya natuto na rin ako.
Sakto namang bubuksan ko na sana yung pinto nang may kumatok dito, kaya tuluyan ko na ngang binuksan ito at nakita ko naman yung katulong kahapon. At mukhang dinalhan niya ako nang pagkain, base na rin kasi sa dala niyang tray at mga platong may laman. Ipinalagay ko nalang sa kaniya ang mga pagkain sa loob at inaya sana siya para makisalo, pero katatapos niya lang daw kumain, kaya hinayaan ko na. Umalis naman na ito kalaunan, kaya tahimik akong kumain at namangha ako sa sarap nang pagkain nila. At talagang yung paborito ko pang ulam ang nandito, higadilyo HAHAHA! Kuhang-kuha nila ang lasa nito sa dimensyon namin at sobrang sarap pa nang kanin, ngayon ko lang natikman ang ganito, tuloy ay naubos ko ang kanin at uminom na nang tubig. Walang natira sa plato at sa hinanda. Sobra akong natakam at nagutom to the point na naubos ko lahat. Naalala ko naman yung binigay na bagay sa akin nung maid, kaya ginamit ko iyon at nakakatuwang ambilis niya... Nandito kaagad siya eh. Kinuha niya na kaagad ang tray at umalis matapos niyang yumuko sa akin. Sinabihan ko naman siyang huwag nang yumuko dahil nakakailang ang ganon, pero di siya sumagot. Pumunta naman ako sa C.R. para mag toothbrush at matapos nun ay tuluyan na nga akong lumabas nang kwarto ko para puntahan si Celestair. If memory serves me right, mapupuntahan ko siya nang walang kahirap-hirap.
Nilakad ko na ang kahabaan nang hallway at buti nalang talaga ay naaalala ko pa ang dinaanan namin kahapon, kaya hindi ako nagtagal sa paglalakad at nahanap na ang lugar na hinahanap ko. Kumatok ako sa pinto bago tuluyang pumasok.
"I see you are now awake Ms. Dessa... How may I help you?" He asked as he gestured his hand to a seat at his front. Hindi naman na rin ako umangal pa dahil seryoso din ang kailangan kong sabihin sa kaniya.
"Actually gusto kong makipag spar ulit sa'yo... Pero bago yun, may gusto muna akong malaman." Wala nang paligoy-ligoy kong sabi, kaya napatingin siya sa akin nang diretso at ngumiti.
"May I hear it?"
"Kahapon... Habang wala ako sa sarili ko, parang nag-iba rin ang pakikitungo mo sa akin. Maaari ko bang malaman kung bakit?" Tanong ko sa kaniya at napatingin naman siya sa hawak niyang ballpen, pinag-iisipan siguro ang isasagot niya sa akin.
"To be honest, nakakagulat talaga ang mga nangyari kahapon. Pero may napansin akong kakaiba. Lalo na sa'yo... Like, hindi ikaw ang Dessa na nakausap ko dito sa office nung nag sparring tayo... Am I right?" Tanong niya pabalik sa akin, kaya naningkit ang mga mata ko na tumingin sa kaniya. "That was someone elses awra at mukhang kilala ko kung sino yun." Sambit niya pa.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Tiểu thuyết chungAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)