Des
Buti nalang at naging maayos na ang lahat ngayon. I mean, English time na kasi namin at mukhang wala naman nang masamang nangyayari... Sa ngayon... Pero I didn't let my guard down. Malay ko bang baka may bigla nalang magpasabog nang buong school nang hindi namin alam. Pero aside doon ay nakikinig naman ako sa klase. Mabait naman kasi ang teacher at magaling magturo kaya kahit na alam ko na ang nile lesson niya ay nakinig nalang ako. Isa pa, mas madali yung way nang pagtuturo niya kesa nung teacher ko dati. I mean, gusto ko silang pareho, yun nga lang, mas madaling intindihin ang tinuturo nang teacher ko ngayon. At bakit ba ako nagpapaliwanag?! Bahala kayo diyan!
"Ms. Inocencio!"
"Ma'am?" Napatayo ako sa boses niya. Grabe, nakakatakot naman! Hindi ko alam na pwede pala siyang maging dragon. Grabeng teacher 'to.
"I've been calling you five times already, but you are sleeping. Are you ok? Are you not feeling well?" Tanong nito at ito ang ayaw ko sa lahat. English time is English time. Kung ayaw mong magkaroon nang ten points deduction sa mismong grade mo dito sa subject na 'to, sagutin mo siya as to how she speaks.
"I'm fine ma'am... Nothing to worry about." Nakangiting sabi ko na sana naman ay paniwalaan niya.
"Ok then? Answer this sentence. Give the right verb." Sabi nito kaya naman ay naglakad na ako papunta sa harap para isulat ang sagot ko.
Carla is ______ in her room.
(Sleeps, Sleep, Sleeping)Nang matapos ko itong basahin ay sinagutan ko na ito kaagad.
Carla is sleeping in her room.
Babalik na sana ako sa upuan ko nang magsalita si ma'am.
"Thank you for your answer. She is correct." Nagtuloy-tuloy ang lesson hanggang sa magpa quiz siya at matapos ang klase. Ngayon ay A.P lesson namin at lahat kami ay kailangang pumunta sa school's mini museum para sa magiging lesson namin. At paano namin nalaman? Minessage si Yokari nang teacher namin. Sabi pa nga nito baka daw tinatamad nanamang pumunta dito ang guro, kaya dumiretso na ito doon.
Anyway, dahil nga sa sinabi nang katabi ko ay nag-ingay ang lahat. May mga nakikita akong nagliligpit nang gamit, may nag-uusap. May nag-aayos nang kolorete sa mukha. May nauna naring lumabas, papunta siguro sa mga locker nila. Ako naman ay palabas na rin sana nang paghintayin ako ni Yokari.
Wala naman na akong nagawa eh, kaya hinintay ko na siya. Limang minuto lang naman ang naaksaya namin bago magsilabas ang lahat. Nagpasama muna ako sa locker at diretso na kami sa mini museum.Pagdating namin doon ay medyo tahimik. Paano ba naman kasi, bibihira lang ang mga taong pumupunta dito. Masyado nang luma dahil nga sa museo ito, pero medyo malayo din kasi sa room namin. Mga limampung hakbang, galing sa room namin.
Anyway, nang makarating na nga kami sa museum ay hindi na ako nagtaka pa kung bakit ang dami kong narinig na mga reklamo at tsismis nang mga kaklase ko.
"Hindi ba't pinaniniwalaang may multo daw dito?"
"Nay narinig akong kwento patungkol sa isang estudyanteng nag suicide dito dahil daw sa pambu bully."
"Madaming nagsasabi na creepy daw ang lugar na 'to kaya wala nang halos pumupunta dito."
"Parang kahit tignan mo lang yung labas, eh matatakot ka na sa hitsura dito eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/216539499-288-k18653.jpg)
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.