Des
Ang sama nang pakiramdan ko ngayon ah? Kakaiba ito. Hindi ito basta-basta, dahil kahit ang saya dito sa bahay... Pakiramdam ko nay hindi magandang nangyayari. Nandito ako sa sofa namin nakaupo katabi ang pamilya ko. Kumakain kami, pero hindi ako nakakaramdam nang pagkagutom.
"Anak? Bakit hindi ka pa kumakain?" Nag-aalalang tanong ni mama. Napatingin naman sa akin si tatay nang marinig ang sabi ni mama. Nanonood kasi sila nang T.V nang kapatid ko eh.
"Hindi po ako gutom ma... Pero susubukan ko pong kumain." Tanging naisagot ko nalang. Ayoko sa lahat ay iyong nag-aalala si mama, dahil ayokong ma stress siya... At mas lalong ayoko namang maging dahilan nun.
"Huwag mong pilitin yung sarili mo kung ayaw mo talaga. Baka sumakit yung tiyan mo." Saad naman ni tatay ko, kaya tumango nalang ako bilang pagtugon.
Hindi ko alam pero... Pakiramdam ko talaga may mali dito eh. Hindi ko nga lang alam kung ano, pero mayroon sa isip ko na parang sinasabi nitong hindi normal ang lahat. Parang may kulang na hindi ko maintindihan eh.
"Dessa please! Gumising ka!" Nagulat ako nang may biglang pumasok sa isipan ko. Parang kinakausap ako nito, pero ang nakapagtataka, ay kung bakit iba ang tinig nito. Parang nag e echo kasi eh. At ano ang ibig niyang sabihin sa gumising ka? "Please Dessa... Tulungan mo kami... Huwag kang susuko." Nakapagtataka din na parang umiiyak ito, pero hindi ko naman masabi kong talagang umiiyak siya, dahil hindi ko naman nakikita ang mukha niya. Tanging nasa isipan ko lang talaga ito.
Sino ka ba? Ano'ng kailangan mo sa akin?
Tanong ko, pero wala akong narinig na sagot. Kaya mas lalo akong nagtaka. Napatingin din ako sa mga katabi ko, dahil baka pinagtitripan nila ako, lalo na sa ikalawa kong kapatid. Pero hindi naman sila ang dahilan nang mga nangyayari eh.
"Dessa! Huwag mo kaming iwan please! Isipin mo ang iiwan mo! Hindi pa tapos ang lahat... Buhay pa si Daikara, at kinokontrol niya na si Yokari, kaya please! Gumising ka na!" Kahit na naguguluhan man sa mga nangyayari ay tumayo nalang ako at nagpa alam.
"Inaantok na po ako. Good night na." Pagpapa alam ko at nagtataka naman akong tiningnan nang mga magulang ko. Kinapa naman ni mama ang noo ko kaya napakunot ang noo ko.
"Ok ka lang ba talaga Dessa?" Tanong niya sa akin, at tumango nalang ako.
"Inaantok lang po siguro... Pakiramdam ko po kasi ay pagod na pagod ako ngayon." Sagot ko at napatango naman sila.
"Dahil siguro yan sa sports fest niyo kanina... Sige na, magpahinga ka na." Nangunot naman ang noo ko nang banggitin ni mama ang patungkol sa sports fest.
Hindi ba't hindi naman ako nakapaglaro sa mga sumunod na game?
Dahil sa naisip ko ay parang naliwanagan ako. Para kasing biglang Deja Vu ang lahat. Simula sa araw na nakilala ko si Zyn, ang pagpasok ko sa Shiratorizawa Academy, Si Yokari at Celestair... Kasama sina Harris at Heilm.
"Dessa! Hinding-hindi ko na mapapatawad pa ang sarili ko kapag pati ikaw ay nawala din sa akin... Please! Imulat mo ang mga mata mo! Hindi ba't may misyon kang kailangan gawin?! Akala ko ba tanggap mo na lahat? Paano na si Silver?!" Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko ay nakaramdam ako nang kakaiba. Nagagalit ako na hindi ko maintindihan. Parang naghahalo-halo na ang emosyon ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Aktuelle LiteraturAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)