Des
(Riiinnnggg!!!)
Nagising kaagad ako sa alarm clock ko. Ang lakas pala nang tunog nito, kaya napahawak pa ako sa tenga ko para mawala yung ngilo na nararamdaman ko.Nabingi ata ako doon ah?
Anyway, papasok na sana ako sa C.R para maligo na nang marinig ko ang pag ring nang telepono, kaya naman ay nilapitan ko ito at sinagot.
"Hello?"
"Ms. Dessa, nandito po ang taga sukat nang uniporme, sa'yo po ata ito, hinahanap po kayo." Rinig kong sabi ni landlady, kaya hindi ko na ito pinaghintay pa at kusang bumaba na para kuhanin ang uniform ko. Umakyat na rin ako pagkatapos.
"Biruin mo nga namang ang bilis nilang manahi. Kahapon lang ako sinukatan mayroon na kaagad? Bilib na ako dito." Sabi ko habang hindi makapaniwalang tinungo ang C.R. matapos kong ihanda ang lahat nang susuutin ko.
Halos trenta minutos din ang inabot ko sa pagligo at isinuot ko na ang uniform nang Shiratorizawa Academy. Maikli ang palda nito na hanggang itaas nang tuhod, kulay maroon, tapos long sleeved blouse na kulay pinkish tapos may bow tie siya, then nagsuot ako nang maroon na hanggang tuhod na medyas at tinernuhan nang itim na school shoes. Kaasya naman sa akin ang uniform at komportable akong gumalaw kaya napangiti nalang ako sa galing nang nag tahi nito.
Nang matapos na akong magbihis, ay nag-ayos ako nang konti. Nag blush on ako nang pink at nag eye shadow, hindi ito masyadong halata kaya na satisfy ako. Tapos nag pulbo ako para hindi masyadong mahalata yung make-up, buti nalang marunong akong mag-ayos kahit papaano. Naglagay din ako nang liptint tapos nilapatan ko nang pulbo lara magmukhang matte lipstick ang gamit ko.
Binlower ko ang aking buhok at nung matuyo na ay inipit ko siya nang pa-ponytail na medyo mataas tapos tinirintas at ginawang bun. Mukha tuloy akong ballet dancer. Pero at least malinis tingnan yung mukha ko, di katulad kaninang pagkagising ko, daig ko pa zombie sa gulo ng hitsura ko.
Nang matapos akong mag-ayos ay kinuha ko na yung cellphone ko na saktong ka fu full charge lang at yung earphone ko na sing kulay nang cp ko. White, kasama ang wallet ko. Nang masiguradong wala na akong nakalimutan pa, ay bumaba na ako. May mga nakasabayan pa akong mga ka dorm ko at todo tingin naman sila sa akin, kaya medyo nailang ako.
Huwag nyo naman na akong titigan please? Baka mamaya malusaw na ako dito.
Nang makarating sa dining area ay nakahanda na ang lahat. Nanginang kaagad ang mga mata ko nang makita ang nasa mesa. Napakasarap nang mga pagkain. Prinitong isda, lumpiang gulay at shanghai, may chop suey at kanin. Paniguradong mabubusog ako nito HEHEHE...
"Magandang umaga mga binibini." Bati sa amin nung nag handa. Hindi ko siya nakita kahapon ah. Weird, baka di ko siya naabutan.
"Magandang umaga din po." Nagulat ako kasi ako lang yung hindi sumagot sa kaniya, at lahat sila ay nakayuko, kaya napayuko na rin ako. Sabay sabi nang 'magandang umaga din po'.
Ayun nga, nagsimula na kaming kumain at buti nalang ay nagawa ko pang pigilan ang sarili ko na kumain na parang baboy. Ang sasarap kaya nang mga ulam, buti nakapag pigil pa ako...(A few minutes later~)
"Ingat po kayo mga binibini." Sabi sa amin nang landlady kasama ang dalawa pa nitong katulong, habang kami naman ay kaniya-kaniya na nang dinaanan para makapunta sa mga pupuntahan. Sa rooms namin obviously.
Pero bilib na talaga ako dito. Biruin mo? Sabay-sabay kaming kumain, nag toothbrush, himala! Lahat dito ay disiplinado. Nakakagulat! Hindi ko inakalang may ganito pa palang eskuwelahan? Tapos naalala ko ang sad reality.
![](https://img.wattpad.com/cover/216539499-288-k18653.jpg)
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.