"Falling in love with your best friend is a romantic way of having the best partner in life but sometimes, friends are only meant to be just friends."
I still remember the day when we became best friend because of a sandwich. Weird right? Funny at the same time.
Recess that time when I went to school canteen to buy my favorite tuna sandwich. Sakto namang pagkasabi ko sa tindera na 'pabili', may lalaking naglapag ng pera sa counter sabay sabi rin na 'pabili'.
I don't mind it kaso nung sinabi ko na 'pabili po ng tuna sandwich,' napaubo siya ng konti at sabing tuna sandwich rin daw sa kaniya. Lumapit sa'min 'yung tindera para sabihing isa na lang 'yung tuna sandwich. Nagkatinginan kami nung lalaki.
"Kunin ko na 'yang isa te." Napamaang ako sa sinabi niya. Wala ba siyang pagpaparaya?
"Kalalake mong tao hindi ka marunong magbigay sa babae!" inis na sabi ko.
"Hindi ka naman mukhang babae eh," aniya sabay tawa nang malakas. Anak ng tokwa!
"Hoy ang kapal ng mukha mo! Bakit gwapo ka ba hah!?" Sa inis ko ay hinaltak ko yung kwelyo niya. May mga tao nang tumitingin sa'min.
"Ahhh klasmeyt, heheheh. Ganito na lang, let's make a deal. Bibigay ko sa'yo yung tuna sandwich kapalit ng- uhmmm..." Humawak siya sa sentido niya habang nagiisip. "Ng friendship," nakangiti niyang sabi. Napakunot naman yung noo ko. Nagtataka ako bakit sa dinami rami nang pwedeng kapalit eh friendship. Pero mas nagtataka ako sa sagot ko.
"Deal". Seryoso kong sabi. Siya naman ang napakunot ang noo, sabay ngiti.
"Okay. Ate pabili nga nung tuna sandwich". Binigay naman sa kaniya 'yon nung nagtitinda, at saka niya binigay sakin.
"Friends?". Sabi niya sabay abot nung tuna sandwich. Medyo nagdadalawang isip pa 'ko kung kukunin ko 'yun pero...
"Friends," tugon ko sabay kuha nung sandwich at nginitian siya.
At magmula no'n ay madalas na kaming magkasama magrecess sa canteen. Section C siya while section A naman ako. Wala kasi akong best friend, meron naman akong mga close friends pero wala talaga akong tinuturing na best friend kasi para sa'kin yung best friend ay yung pinakapaborito mong kaibigan, ayoko naman nang may favoritism kasi in terms of favoritism, I never win at ayoko rin iparanas sa kanila 'yon.
Pero si Jake, iba siya sa lahat. Siya lang ang tinuring kong best friend since wala naman kaming mga mutual friends at wala kaming kinabibilangang circle of friends kaya naman okay lang din sa'kin na ituring siyang best friend dahil wala namang mangyayaring favoritism pag nagkataon.
But one day, I found myself looking at him way more different than before.
I found myself smiling weirdly when talking to him.
I found myself jealous whenever someone's so close to him.
I found myself dreaming that one day we'll be together.
And that's when I realized that I love him.
.
.
.
.
But not as a friend.
---
And this feeling s*cks because I don't want to feel this but my heart does.
So now, how can I stop falling when I already fell at the first place?
Until When?2020
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...