Kabanata XXX

17 3 0
                                    

Lampas isang buwan na ang nakakalipas simula nang magpasukan. Wala namang gaanong pagbabago sa mga pangyayari dahil katulad last year, kami kami pa rin naman ang magkakaklase. Wala namang bago.


May pagbabago sa mga subject which is expected naman na. Natural hindi magbabago ang mga tao sa classroom pero magbabago ang mga subjects.


Kagaya nang dati ay wala pa ring pagbabago, bitter pa rin sa'kin sila Ara at Mich. Si Chelsea ay gano'n pa inr, tahimik at kung unahan mong kausapin ay doon lang magsasalita. While Jeorga is still the same, siya lang ang kahit papaano ay kumakausap sa'kin.


Mabuti na lang talaga at nandito sila Cholo na kahit maiingay at magugulo ay never pinaramdam sa'kin na out of place ako. Naturingang kaibigan ng president ay ang iingay.


Hindi na president si Carmen kundi ako. Oo ako, binoto lang naman nila ako sa pagkapresidente kahit tumututol ako. Hindi ko naman gusto ang posisyon na 'to dahil nakikita ko ang paghihirap ni Carmen kaya hangga't maaari ay ayoko sana pero wala na 'kong nagawa. Pinagkaisahan nila ako.



*Flashback*


"The nomination for president is now open," nakangiting sabi ni Sir Padilla na adviser namin.


Tahimik lang ang lahat maliban kila Cholo na kung sinu-sinong pangalang ang pinagbababanggit. 'Pag ito binoto ko ng escort iyak 'to.


"Sir!" Nagtaas ng kamay si Erick.


"Yes?" 


"I respectfully nominate Carmen Villamor for president."


Napatingin kaming lahat kay Carmen. Napakamot siya ng ulo nang marinig iyon.


"Siya na yata ang president ninyo last school year, right? Kung gano'n ay hindi na siya pwede ngayon," wika ni Sir.


"Sige po sir," parang napapahiyang sagot ni Erick.


Si Andeng naman ang nagtaas. "Sir! Sir!"


Natawa kami dahil parang nagmamakaawa siyang tawagin ni Sir para sa kung sino 'yung iboboto niya.


"Yes, Miss Briz?"


"I respectfully nominate Jeya Collins for president," proud na sabi niya.


Napatingin kami kay Jeya at nanlaki ang mata niya nang sabihin iyon ni Andeng.


"Sir!" Nagtaas siya ng kamay. "I object sir."


Until When?Where stories live. Discover now