Weeks had passed since we went to Ateneo. Hindi ko na natuloy pa ang pag-aaply dahil wala akong kasama. Hindi ko naman na pwedeng pilitin pa si Jake na samahan ako dahil may iba rin siyang ginagawa. Si Mama naman ay may importanteng lakad at si kuya ay may pasok. Hindi ko rin kayang pumunta mag-isa doon dahil hindi ko alam ang pasikot sikot ng mga sakayan. Tinanggap ko na lang na baka hindi talaga para sa'kin iyon. Maybe there's a better opportunity waiting for me.
Simula rin noon ay umiwas na muna ako kay Jake. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ang pag-iwas ko dahil madalas ay hindi ko na rin siya nakikita. Marahil ay lumalayo na rin siya ngayon kung napansin niya ang paglayo ko. Hindi ko alam kung para saan iyon ginagawa kong paglayo sa kaniya pero mabuti na rin siguro 'yon para hindi na 'ko masaktan. Kapag naiisip ko kasi na hindi kami pareho nang nararamdaman ay may kung anong bagay ang tumutusok sa puso ko dahilan para masaktan ako.
Hindi ko namalayan na may mga luha na palang pumatak sa mga mata ko nang oras na 'yon. Agad ko itong pinahid nang marinig na bumukas ang pinto nitong kwarto. Agad akong napatingin sa nagbukas no'n at bumungad sa'kin ang nakangising si Kuya.
"Bihis na bihis ka ah? Sa'n punta mo?" Ibinagsak niya ang katawan sa kama. "Haaayyyy nakakapagod!"
"Umalis ka nga diyan!" inis kong sabi tsaka hinaltak siya. "Ano bang ginagawa mo dito?"
"So saan ka nga pupunta?" He smirked. "You haven't answered my question," aniya at tumayo tsaka nagpunta sa salamin. "Ang gwapo ko talaga."
"Ehhh!? Tsssss." Napairap ako.
"Ibahin pa ang topic, sige."
"Diyan lang!"
"Saang diyan?"
"Eh bakit ba kailangan mo pang malaman?" inis na sabi ko tsaka tinulak tulak siya hanggang sa makalabas.
"Grabe 'to! Nag-aayos lang naman ako ng buhok!" nakangusong sagot niya.
"Huwag ka nang mag-ayos. Ang panget mo!"
"Wow coming from you ah?"
"Tssss, alis!" sabi ko at tuluyan na siyang pinalabas sa kwarto.
"Isusumbong kita kay Mama!" pagbananta niya nang isasara ko na sana ang pinto.
Muli akong humarap sa kaniya. "Kuya! Umalis ka na nga!"
"Saan ka nga muna pupunta?"
"May bibilhin lang!"
"Na ano?"
"Basta!"
"Ano nga?" pangungulit niya pa.
Umakma akong tatadyakan siya kaya napaiwas siya. "Diyan lang sabi! Umalis ka na!" sigaw ko at isinara ang pinto.
"Mama si Lexa oh may date!" narinig kong sumbong ni Kuya kahit na ang boses niya ay malayo na.
Hindi ko na lang iyon pinansin at bumalik na sa pag-aayos ng gamit. Bibili lang sana ako ng libro na maidadagdag ko sa koleksyon ko. Nakaipon din kasi ako ng isang libo sa loob ng halos tatlong linggo na nakalipas.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...