Next week na ang English Month Singing Contest. Gusto kong sumali pero may part sa'kin na parang ayaw ko. Ang gulo 'di ba? Pinipilit ako ni Ara na sumali dahil bukod sa may cash prize iyon ay may dagdag grades din. Hindi naman mababa ang grades ko sa English, actually top 3 nga 'ko sa room pero 'yun lang, iba pa rin kasi 'yung feeling na nakasali ka.
I decided to pack up my things at nagpaalam na kay Mama na aalis. Hindi na rin ako halos nakapag-almusal dahil malalate na ako. Nalate kasi ako nang gising kanina, ang ganda kasi ng panaginip ko.
Umalis na ako at sumakay ng tricycle papuntang school. Ang tagal pa maghintay ng kasabay. Nakakainis naman.
Ganito lagi dito sa kanto ng village namin. Maghihintay ka muna ng kasabay kasi kailangan punuin 'yung apatan na upuan bago umalis. It took almost 10 minutes. Pagkababa ko ay nagmamadali akong naglakad papuntang school. Pagdating ko ay nandoon na ang first subject teacher namin, si Ms. Soriano. Buti na lang at hindi mainit ang ulo niya at hindi niya ako napagbalingan nang galit.
Umupo na ako sa tabi ni Ara. Magkasunod lang kami kaya magkatabi kami ng upuan. Napansin kong busy ang mga kaklase kong nakikinig kay Ma'am.
"Sa Biyernes na ang English Month Singing Contest, kung sino ang sasali doon ay may plus mismo sa card. Kahit hindi ko hawak ang english subject ninyo, magbibigay pa rin ako ng plus," nakangiting sabi ni Ma'am.
Biglang nagtaas si Pauline nang kamay niya.
"Yes Ms. Regalado?" sabi ni Ma'am at tumayo naman si Pauline.
"Kapag po nanalo mas mataas po ba ang makukuhang plus sa card?" Pauline asked.
"Bida-bida talaga 'tong babaeng 'to. Buti nga magbibigay nang plus si Ma'am kahit hindi niya subject eh. Kung makapagtanong 'kala mo maman mananalo," sabi ni Ara habang masamang nakatingin kay Pauline.
"Hmmm, we'll see," ayon lang ang sinabi ni Ma'am at parang napapahiyang napaupo naman si Pauline. Pinagtitinginan na kasi siya ng mga kaklase namin.
After ng discussion ay nagpaalam na si Ma'am samin at umalis. Lumipat naman kami ng upuan dahil iba naman ang seating arrangement for the next subject.
Dumaan ang recess at napag-usapan ng mga kaklase ko 'yung about sa singing contest na gaganapin sa Friday.
"Sino naman pambato natin?' tanong ni Cholo habang nakapabilog sila at nag-uusap.
"Ako na nga. Ipapanalo ko 'yun," Pau confidently said.
"Eh parang last time lang na sumali ka, pumiyok ka eh!" natatawang sabi ni Matt.
"Oo nga napagtawanan ka pa tuloy!' dagdag naman ni Cherry
"Okay lang, magaling pa rin naman ako," mataray na sagot ni Pauline.
I hate to admit but... I can't deny that Pau have talent in singing. Iyon nga lang ay may pagka-mayabang kaya marami ang naiinis sa kaniya.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...