Graduation Day
"Kapal naman ng make-up mo!" natatawang sabi ni kuya habang pinanonood ako na maglagay ng ilang kolorete sa mukha.
"Makapal na 'yan? You should see my classmates, then. Hindi hamak na mas makakapal ang kolorete ng mga 'yon." Natawa din ako pagkasabi.
Sinuyod niya nang tingin ang kabuuan ko tsaka napailing. Kumunot ang noo ko habang nakaharap sa salamin. Ibinaling niya ang tingin sa salamin tsaka doon ako tinignan. Maya-maya ay tumawa siya nang malakas.
"Ano ba!" inis na sabi ko.
"Gandang ganda ka sa sarili mo ah?"
Sa inis ko ay hinagis ko sa kaniya ang hawak kong tissue. "Bwiset! Lumayas ka na nga!"
"Pffttt!"
"KUYA!!!"
"Oo na aalis na," natatawa pa rin niyang sabi.
"Ang hilig mong mang-asar." Napairap ako.
"Sige good luck sa pagpapaganda mo."
"Hindi ako nagpapaganda! Maganda na talaga ako!" confident kong sagot.
"Wow ang taas ng self confidence ah?" Umangat ang kilay niya. "Magpaganda ka para hindi ka ipagpalit ni Jake."
Natigilan ako sa sinabi niya tsaka humarap sa salamin. Tinitigan kong mabuti ang sarili ko. Hindi naman ako panget ah? Hindi naman siguro ako ipagpapalit ni Jake dahil lang may masa maganda sa'kin.
"Kuya umalis ka na nga! Wala ka talagang magandang masabi eh! inis na talagang sabi ko.
"Sinasabi ko lang naman na—–"
"Oo na! Oo na! Sige na umalis ka na!"
"Eto na nga eh. Galit na galit?" Ayon na naman 'yong nakakaloko niyang ngisi na makikita mo pa lang eh kukulo na dugo mo. "Galingan mo diyan!" nang-aasar pa niyang sabi bago sinara ang pinto.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakalabas na siya. Sanay na ako sa pang-aasar ni kuya dahil noon pa man ay ganiyan na talaga turingan namin sa isa't isa. Aasarin niya ako tapos ako naman 'tong pikon at pilit siyang papatulan kahit pwede naman akong manahimik. Hindi rin kasi ako patatalo eh, palaban ba parang gano'n. Pero nitong mga nakaraan lang ay madalas niya na akong asarin kay Jake. Ewan ko kung matutuwa ba ako do'n o maiilang.
Pagkatapos na pagkatapos din ng valentines ay nanligaw sa'kin si Jake. Noong hapon na 'yon ay sinabi niyang lahat sa'kin. Lahat nang mga karanasan niya at ng tunay niyang nararamdaman para sa'kin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na noon pa man ay mag gusto na pala talaga sa'kin si Jake at hindi iyon imbento lang nila Marky at Anthoni para asarin ako. Sabagay ay lalaki din sila, alam nila ang kilos ng isang lalaki kapag may gusto ito sa isang babae.
Dahil valentines noong araw na umamin siya sa'kin, naisipan na rin namin magdate at doon niya kinuwento sa'kin ang lahat. Kinabukasan no'n ay nagpaalam siya kung pwede bang manligaw. Kung sa akin naman ay ayos lang pero kailangan niya munang magapalam kila mama kaya nagpunta siya sa bahay para ipaalam na liligawan niya ako. Akala ko ay magagalit si papa pero natuwa siya dahil sa personal na pagpunta ni Jake sa bahay para umakyat nang ligaw. Pagkatapos ay kila mommy at daddy naman siya nagpaalam kung pwede akong ligawan. Nakakatuwa lang na kahit may kalayuan 'yung mansion mas pinili pa rin niyang pumunta para personal na ipaalam ang panliligaw sa'kin.
Pagkatapos ng tatlong linggo niyang panliligaw ay sinagot ko din siya. Bakit ko naman patatagalin pa eh halos limang taon naman na kaming magkakilaka, tatlong taon na rin kaming magkaibigan kaya walang dahilan para pagdudahan ko siya. Isa pa ay nararamdaman ko naman na totoo ang mga sinasabi niya.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...