Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nagdaan ang pasko at bagong taon, wala namang pagbabago sa buhay ko maliban lang sa isa na akong Suarez at aware naman na ang iba sa mga kaibigan ko doon maliban na lamang sa mga taong hindi naman gano'n kalapit sa'kin.
Naging maayos naman ang relasyon namin ni Chad kahit nireject ko siya noong gabing umamin siya sa'kin. Buong akala ko ay iiwasan niya na ako. Lumipas lang ang halos isang linggong hindi namin pagkikita dahil busy ako sa school at maging siya rin, ngunit nang muli kaming magkita ay bumalik kami sa dati. Hindi lang basta sa dati dahil pakiramdam ko ay mas lalo pang lumalim ang pagsasama namin at mas lalo pa kaming naging close. Noong una ay may awkwardness pa sa pagitan namin dahil sa ginawa niyang pag-amin. Pero hindi rin naman iyon nagtagal, natanggap niya na may iba akong gusto at tinuring na lamang niya ako bilang nakababatang kapatid gayong mas matanda lang siya sa'kin ng ilang buwan.
Naging maayos din ang pakikisama nila mama at papa sa mga Suarez. Kung dati ay halos itakas pa ako ni Troy sa bahay para lang makapunta ako sa mansion dahil hindi pumapayag si papa na umalis ako ng bahay at pumunta sa mga Suarez. Pero ngayon ay bukas na sa loob niya akong pinapayagan kapag pupunta ako sa mansion ng mga Suarez.
Bukod kay Chad ay hindi ko na rin gaanong nakakausap si Brent. Noong field trip ay natuloy din ang usapan namin na magkasama kaming sasakay ng mga rides. Last year field trip pa namin iyon napag-usapan ang kaso ay hindi kami nagkita, kaya si Jake tuloy ang kasama kong sumakay sa favorite kong Wheel of Fate. Pero nitong latest field trip namin ay siya ang kasama ko sa Enchanted Kingdom. Iyon na ang maituturing kong huli naming bonding dahil hindi na iyon nasundan pa. Pagkatapos kasi no'n ay napagtanto ko na hindi ko na dapat siya pinapaasa sa bagay na wala namang kasiguraduhan. Hindi ko na dapat hinahayaan na magkaroon kami ng bonding na magdadala lang sa kaniya ng isipin na may pag-asang maging kami, kasi sa totoo lang ay hindi ko siya naiimagine bilang boyfriend ko sa future.
Pagkagaling namin ni Jake sa riverbanks ay nagkausap kami ni Brent that time. Nag-away pa nga kami nang kuwestyunin niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sa huli ay inamin ko din na hindi gano'n kalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na hindi siya ang laman ng puso ko pero kahit gano'n ay mahalaga siya sa'kin, sobra. Nasabi na niya lahat ng hinanakit niya sa'kin, maging ako ay naglabas din ng sama ng loob. Gano'n na lang ang gulat ko nang mapagtantong masyado na pala kaming maraming hindi pagkakaunawaan. Hindi na maganda ang ganitong klaseng relasyon kaya mas mabuting tapusin na lang lalo pa't isa lang naman ang totoong nagmamahal dahil ang isa ay nagpapanggap lang.
Habang si Jake naman ay hindi ko na nakakausap nang personal, sa chat na lang madalas. Huli pa yata naming labas ay nung nagpunta kami sa riverbanks. Dala na rin siguro ng busy schedules, ano pa bang aasahan mo sa isang STEM student? Eh halos wala akong nakikitang STEM student sa canteen eh, mga wala na yatang oras magrecess. Pati mga ABM rin ay palaging busy, wala rin akong nakikitang student na may patch na ABM, mas inuuna pa kasi ang Accounting kaysa kumain.
"Oh si Lexa naman!" ani Cholo habang hawak-hawak ang isang boteng walang laman at pinapalo sa kung sino ang hindi makakasagot sa tanong.
Nakapaikot kami ngayon at nag-oopen forum. Wala kasing dumadating na teacher dahil halos lahat busy para sa graduation sa April 3. Habang kami ay busy sa mga school stuffs dahil itinatambak nila sa'min ang mga gawain kapag wala na silang oras na magturo. Ayos lang naman iyon para sa'min dahil napagtutulungan namin 'yung mga gawain na mahihirap kaya napapadali.
"Sinong crush mo!" bigla ay narinig kong tanong ni Alice. Nakangisi na siya sa'kin ngayon.
Batid ko namang hinuhuli niya lang ako. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko. Ano ba ang depinisyon sa kanila ng crush? Iyong gusto mo bang palagi nakikita dahil hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nasisilayan? Iyong palagi mo siyang bukambibig kahit wala namang kinalaman sa taong 'yon ang usapan? O iyong palagi mo siyang naiisip kahit na hindi naman dapat sumagi sa isip mo?
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...