Kabanata XLV

12 2 0
                                    

"Go pick your partner!" malakas na sabi ni ma'am sa'min



May activity kasi kami ngayon sa MIL, pipili ka ng partner tapos may activity kayong gagawin na pagtutulungan ninyo.


Pagkabalik namin ng school matapos ang sem break ay doon din nagtapos ang first semester. Dahil natapos na ang second grading at ngayon ay third grading na pero considering na first grading pa lang sa second semester, nawala na din ang merging ng section. Lumipat na kami ng building, sa building B kami noong nakaraan dahil iyon ang unang natapos gawin. Ang building A ay hindi pa tapos gawin noong lumipat kami kaya ngayong natapos na ay doon na kami nakaroom. Sa building A ang mga academic track habang sa nakabukod naman ang TVL na nasa building B.



Mabilis din na lumipas ang araw, nakalipat na kami ng room  at hindi na din namin kasama ang ABM C. Pero ang trato sa'kin nila Ara ay hindi nagbabago, nananatili silang mataas ang tingin sa sarili. Naiinis ako sa tuwing naaalala ko kung paano nilang ireject ang invitation ko sa kanila nung birthday ko samantalang ako na nga itong nagpakumbaba para imbitahan sila tapos sasabihin pa nilang may mas importante silang gagawin kaysa sa umattend ng birthday ko? Gayong sila Jeorga at Chelsea ay nakapunta naman.



Pilit ko na lang iyon kinakalimutan kahit madalas pumasok sa isip ko. Hindi ko na lang din sila pinapansin kapag may mga salita silang sinasadyang iparinig sa'kin. Hindi naman na sila gaanong kawalan sa'kin, may mga bago naman na akong kaibigan at mas better pa sa kanila.




Napatingin ako kay Carmen ngunit magkahawak na sila ngayon ni Jeya. Napatingin sa'kin si Carmen at sumenyas siya ng 'sorry'. Nagulat naman ako nang may humaltak sa'kin.



"Lexa tayo na lang partner!" Napatingin ako kay Alice na nagsalita.




"Partner nga kami ni Lexa eh!" Bigla namang hinatak ni Andeng ang braso ko.




"Kami nga! Ako nauna eh!" giit naman ni Alice.



"Eh kasi tumakbo ka. Pero ako ang nauna!" depensa naman ni Andeng. "Bigla mo siyang hinatak!"



"Para walang away kami na lang ni Lexa ang partner," biglang nagsalita si Cholo habang nakangisi. "Lexa tara na nga."




"Hoy!" sabay na sabi nung dalawa.



"Bakit?" tanong ni Cholo.



"Ang kapal mo umalis ka nga dito!" inis na sabi ni Alice.




"Lexa sinong pipiliin mo sa'min?" sabi ni Andeng habang nakapamewang.




Natawa naman ako. "Ewan ko sa inyo!" Napailing ako.




"Andeng tayo na lang partner," biglang nagsalita si Ed. "Partner si Cholo at Kiel." Ngumiti ito.




"Oh ayon naman pala eh!" sabi ni Alice.



"Ahhmm..." iyon na lang ang nasabi ni Andeng.



"Tara na." Hinawakan ni Ed 'yung kamay ni Andeng.



"S-Sige una na kami..." nakayukong sabi ni Andeng.



"Pffttttt!" biglang humagalpak si Cholo. "Pambihira!" naiiling na sabi niya.



Kahit ako ay hindi rin maiwasang matawa. Halata kasi sa ekspresyon ni Andeng na kinikilig siya at nahihiya lang siyang aminin. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya at mukhang napansin din iyon ni Cholo kaya lalo itong humagalpak ng tawa. Maging si Alice ay hindi rin maiwasang matawa dahil sa naging reaksyon ni Andeng lalo na nung hinawakan ni Ed ang kamay niya. Masyado naman siyang halata.


Until When?Where stories live. Discover now