Kabanata XXXIII

15 3 0
                                    

Matatapos na ang half ng first semester for this school year. Gaya ng inaasahan ay hindi pa naman gano'n kahirap ang mga pinag-aaralan at hindi pa rin naman gano'n kahassle ang oras. Wala namang masyadong natatamaan 'yung mga time namin, 'yung oras na para sana sa gawaing bahay na napupunta sa gawaing pangschool ay hindi pa naman nangyayayari.


Well hindi naman nakakastress 'yung mga subjects dahil hindi naman kami pinipressure ng mga teacher namin, except sa Accounting 2 na given naman na na mahirap.


Kapag nagbibigay si Ma'am ng activity na sasagutan ay kinukulang palagi ang dalawang oras na time niya. Apat na beses lang kasi namin namemeet ang kada subject teacher sa buong week at sa kada isang beses no'n ay isang oras. At dahil tuwing Monday ay dalawang oras ang Accounting namin ay tatlong beses lang namin namemeet si Ms. Viñales sa isang linggo.


Hindi naging madali ang gano'ng scenario kada linggo. Ang dalawang oras na mayroon kami tuwing Lunes ay hindi sumasapat para matapos namin ang lahat ng activity na binibigay niya sa amin.


Halos sa subject na iyon lang umiikot ang buong Lunes hanggang Biyernes namin. Kapag hindi namin natatapos ang activity ay sa bahay namin tatapusin tsaka ichecheck kinabukasan.


At dahil nga hindi madali ang mga activities na iyon ay halos groupings na ang nangyayari na sana ay individual activity lang. Sa chat ay nag-uusap usap kami kung ano ba ang gagawin sa ganito, kung paano ang ginawa ni ganiyan sa ganito. Kung tapos na ba sila at sa isang activity naman. Hindi madali pero kapag magkakasamang gagawa ay nalulutasan naman.


Cheating is a sin, ika nga nila. But I don't think what we're doing is considered cheating, or it is? Kahit sinong accounting student naman siguro hindi masisikmurang sagutan ang buong accounting cycle nang mag-isa 'di ba? Oh baka kami lang?


Minsan pa ay umaabot sa puntong alas dose na ako natutulog kahit pa maaga akong gumigising. Ala sais pa lang ay tapos na akong maghapunan kaya ang oras ko mula doon hanggang kung anong oras ako matapos ay ilalaan ko sa paggawa ng assignment sa accounting.


At sa buong oras na iyon nang paggawa ko ng assignment ay nakaopen rin ang messenger ko, naghihintay sa chat ng mga kaibigan at kaklase kung sino ang magtatanong o kung sino ang puwedeng mapagtanungan. Kung hindi naman mahirap ang subject na ito ay hindi namin ito gagawin.


Minsan tuloy napapaisip ako, bakit nga ba ako nag ABM?


Pangarap ko talaga maging isang writer e, not just a writer but a popular one. Okay maybe I'm too ambitious but that's what I really want to be. Marami akong paboritong mga author ng libro, mahilig rin akong magbasa ng wattpad at webnovel. Doon sa mga stories na nababasa ko ay naiinspired ako. Naiinspired ako na sana balang araw ay maging gano'n din ako, na maging successful din ako kagaya ng pangunahing karakter sa istoryang binabasa ko.


Aside from the fact that I also dream of the life that my favorite characters in the story have, I also aspire to be a famous writer just like the author in the story I am reading. Being famous doesn't mean being arrogant or be too full of yourself. Isipin mo lang mabuti, hindi ba't nakakagaan nang loob sa tuwing malalaman mong maraming nagbabasa at nakakaappreciate ng gawa mo? That's one of the most precious thing that one can experience as a writer, to be appreciated.

Until When?Where stories live. Discover now