"Delivery for Ms. Alexa Suarez," dinig kong sabi ng isang delivery boy.
Nag-angat ako ng tingin tsaka tumayo sa kinauupuan kong swivel chair. Ipinalapag ko na lang sa kaniya ang bouquet of roses at chocolate na hawak niya. Nakangiti siyang nagpasalamat at nagpaalam, ngiti lang din ang naiganti ko sa kaniya.
Nakangiti kong pinagmasdan ang bulaklak na iyon tsaka inilapit sa'kin at inamoy. Ang bango. It reminds me of someone...
Napansin kong may letter na nakalakip doon kaya naman binuksan ko at binasa. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang nakasulat. Hindi naman bago itong pakiramdam pero iba pa din ang nagiging dating sa'kin. Iba talaga ang dating niya sa'kin, walang kupas, palagi pa din akong kinikilig...
You cast a spell on me that can't be broken. You're the best thing that ever happened to me. I believe romantic love is just a childish thing for kids, not until my eyes landed on you. Maybe I'm just being in denial but I knew if from the start that it was you, and it's always been you. I am completely and madly in love with you...
-Jake
Nakangiti kong kinuha ang letter at nilagay sa bag. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kilig na nararamdaman ko nang mga oras na ito. Parang bagong bago pa din sa pakiramdam ang lahat.
"Good morning Ms. Alexa," nakangiting bati sa'kin ng secretary kong si Daisy.
"Oh come in," ngiti ko.
"Pinatawag ninyo daw po ako."
"Ah yeah," tango-tango kong sabi. "Could you show me my schedule this week?"
"No problem ma'am," nakangiti niyang sagot. "Tomorrow you have meeting at 10 o'clock with Mr. Perez. Thursday, you have to participate in an interview. As for Friday, you'll have a meeting with Mr. Kim at 3 o'clock."
"I see," tumatango kong sabi.
"Is there anything else you need to know, ma'am?"
"Uhmmm... That's it I guess." Muli akong tumango. "Thanks by the way. I'll call you again when necessary."
"Thank you ma'am. Mauna na po ako," paalam niya at tinanguan ko siya.
Pagdating ng ala sais ay nagpaalam ako kay Daisy na kailangan ko nang umuwi dahil may dinner date kami ni Jake. Sabi niya ay siya naman na daw ang bahala. Naglagay ako ng konting kolorete sa mukha tsaka nag spray ng pabango.
Naglakad ako palabas ng office at nang madaanan ang ilan sa employee ay bumabati sa akin. Nakangiti ko naman silang tinatanguan kada may babati sa'kin. Paglabas ko ng building ay pumasok ako sa kotse ko tsaka binuhay ang makina. Biglang nag ring ang phone ko.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
"I miss you," bungad sa'kin ni Jake.
"I miss you too," malambing ko namang sagot.
"Where you at? I'm here na."
"Ye, papunta na ako. Ngayon lang ako nakapagpaalam kay Daisy."
"Oh yeah... I understand."
"Wait for me."
"Just make it quick, baby." Bigla akong nanghina nang banggitin niya ang salitang iyon. Gosh iba pa din talaga ang epekto niya sa'kin! "Baby? Are you still there?"
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...