Kabanata XVIII

26 3 1
                                    

"I love you..." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.


Naramdaman ko na lang na may luha na palang pumatak sa kanang mata ko. Agad ko iyong pinahid. Diretso ko siyang tiningnan at nginitian.


"Alam ko namang hindi ka pa handa. Pero gusto ko lang na malaman mo na kahit hindi mo pa 'yan nasasagot, handa akong maghintay." She held my hands and squeeze it.

Me too. I hope you'll wait until I can say that I love you too...


Nag-usap pa kami ng medyo matagal doon at napagpasiyahan na naming lumabas.




"May gusto ka pa bang puntahan? Or gawin," tanong niya sa'kin.


Umiling ako. "Wala naman bakit?"


"So uwi na tayo?"


"Hmmm, oo?" Ngumiti lang siya.




Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad.




"Grabe sobrang saya ko ngayon. Ano pa kaya bukas?" 


Napatingin ako kay Brent. "Bukas?" kunot-noong tanong ko.


"Bukas sa prom. Makakasayaw kita. Makakasayaw ko 'yung babaeng mahal ko. Hindi ko nagawa 'yon nung grade 9 kasi hindi mo pa 'ko kilala." Nginitian niya 'ko.


"Excited ka naman yata?"


Pinisil niya ang pisngi ko. "Siyempre naman! Alam mo bang hinihintay ko ang araw na 'yon! Iyong tipong nasa gitna tayong dalawa habang nakatutok yung spotlight tapos sumasayaw tayo. Haaayyyy sarap sa feeling." Bigla siyang napapikit habang nag-iimagine.


Hinampas ko siya. "Sira! As if naman itatapat sa'tin yung spotlight? Eh ano yun bida bida lang?" Natawa ako habang nakasimangot siyang nakatingin sa'kin.


"Okay lang basta sasayaw tayo bukas parang ganito." Iminuwestra pa niya kung paano ang sayaw na gagawin. "Oh 'di ba ang galing ko?"


Natawa naman ako. "Ang dami mong alam! Pumara ka na nga ng jeep!"


"Bakit ba gusto mo na 'kong umalis?" nakanguso niyang sabi.


"Baliw! Siyempre uuwi na rin naman ako pag nakasakay ka."


"Eh kung ikaw na lang kaya ang hintayin ko makauwi? Pasakayin muna kita?"


"Huwag na ano ka ba. Malapit lang naman 'yung terminal."


"Ehhh!" Para siyang bata sa hitsura niya.

Until When?Where stories live. Discover now