"C-Carmen?" gulat kong tanong.
Si Carmen! Nakagapos 'yung kamay at paa niya habang gulo-gulo na ang buhok at uniform. Para siyang sinampal at sinabunutan!
Napatingin ako ngayon kay Pauline na ngayon ay na nakangisi sa'kin.
Anong ginagawa nila dito? At anong ginawa nila kay Carmen?
"B*tch what are you doing to her!?" galit kong sabi at pumunta kay Carmen para tanggalin ang gapos ngunit pinigilan ako nila Erick at Renz. Pagkatapos ay hinaltak ako ni Joven. "Ano ba bitawan mo 'ko!"
"Huwag ka ngang pakialamera, kahapon ka pa eh!" inis na sabi ni Joven.
"Kapag nalaman ng principal 'tong ginagawa ninyo ewan ko na lang kung sa'n kayo pupulutin!" Napasigaw ako dahil sa galit. Tinignan ko si Carmen at sobrang awa ang naramdaman ko nang makita ko ang kalagayan niya.
"Alam mo nagtitimpi lang 'ko sa'yo eh. Panira ka lagi ng plano. Una kinuha mo ang panalong dapat sa'kin tapos ngayon naman kung makapagtanggol ka kay Carmen kala mo kung sino eh. Superhero ka ba hah? Bida bida ka rin eh." Lumapit siya sa akin at tinulak ako. Inangat niya ang mukha ko at pinaharap sa kaniya. "Ikaw rin pumipili ng kapalaran mo eh!" galit niyang sigaw at sinampal ako.
"Pauline ako na lang!" sigaw sa kaniya ni Carmen.
"Oo ikaw lang naman kaso pakialamera 'tong bwiset na 'to eh!"
"Please maawa ka naman kay Lexa, wala naman siyang kasalanan dito. Sa'kin ka galit 'di ba? Kaya ako lang parusahan mo!"
Nginisian lang siya ni Pauline at lumapit sa akin. "Alam mo ba ang dapat ginagawa sa pakialamerang tulad mo?" Sabi niya at bigla akong itinabi kay Carmen. "Igapos ninyo 'yan" utos niya kila Erick.
"Pero hindi naman kasama sa plano 'yan ah," angal ni Cherry.
"Manahimik ka nga. Nakisali siya eh. Ginusto niya 'yan at dahil mabait ako pagbibigyan ko siya," aniya at hinagis ang lubid kay Erick.
Nagsimula si Erick na igapos ako. Hindi naman ako makapalag dahil nakahawak sa'kin si Renz.
"Huwag ka ngang makulit!" inis na sigaw ni Erick dahil nagpupumiglas ako.
"Huwag ninyo na siyang idamay please lang! Ako ang kailangan ninyo 'di ba? Sa'kin ka galit 'di ba Pauline?" sigaw ni Carmen.
"I'll give her what she want" mataray na sagot ni Pau.
"Bagay naman 'yan sa kaniya. Epal kasi siya palagi" Inirapan ako ni Dolly at inis na tumalikod sa amin at lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/217883278-288-k708601.jpg)
YOU ARE READING
Until When?
Fiksi RemajaFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...