Kabanata XLVIII

14 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at ilang linggo hanggang sa umabot ng isang buwan ay hindi na ulit kami nagkausap ni Jake. Simula din noong umamin ako sa kaniya ay lumayo na ako. Kahit anong chat niya sa'kin ay hindi ko iyon nirereplyan o binabasa man lang. Sa tuwing makakasalubong ko siya ay agad akong nagmamadali na umiwas. Hindi ko na ulit siya kinausap, maski nilapitan. Wala akong lakas ng loob na harapin siya pagkatapos nung sinabi mo.







Halos isang buwan na din ang nakakalipas pero sariwa pa din sa pandinig ko 'yung lahat ng mga sinabi ko. Valentines na nga ngayon eh, pero hindi ko pa din siya pinapansin. Hindi ko alam kung paano kong natagalan na hindi siya pansinin gayong palagi ko siyang namimiss. Pero sa totoo lang ay miss na miss ko na siya. Wala lang talaga akong mukhang maihaharap sa kaniya sa ngayon dahil sa mga kagagawan ko.




'Until when will you realize that I love you not just a friend?'





Hanggang ngayon talaga ay nagpaplay pa din 'yan sa utak ko. Na LSS na ako dahil nagawan ko na yata ng tono sa utak ko, palagi ko ba namang naiisip. Kahit na wala namang connect ang bagay na ginagawa ko eh bigla bigla na lang 'yun sasagi sa isip ko sa hindi malaman na dahilan.







Hanggang ngayon ay dama ko pa din ang kahihiyan sa buong sistema ko. Wala akong mukha na maihaharap sa kaniya. Makikita ko pa lang siya sa malayo ay parang gusto ko nang kainin ng lupa dahil sa kahihiyan. Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit hindi ko napigilan ang sarili kong aminin sa kaniya 'yon. Kasalanan 'to ng bibig ko na ayaw paawat eh. Kung kailan dapat manahimik tsaka naman aarangkada sa kasasalita. Kung kailan dapat pigilan ang dapat pigilan ay tsaka naman tuloy tuloy sa kadadada. Kapag naman may debate o may kailangan ipaglaban na argumento eh tahimik at tikom.






Walang araw at gabi na hindi ko naiisip kung ano kaya ang posibleng reaksyon at sasabihin niya pagkatapos marinig iyon sa'kin. Pagkasabi ko kasi no'n ay napansin ko ang gulat sa mga mata niya, hindi na ako naghintay ng sasabihin niya at nagmamadali na akong tumakbo hawak ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya. Pakiramdam ko ay anumang oras sasabog ako dahil sa pamumula ng pisngi ko gawa ng kahihiyan.





Iniisip ko pa rin kung bakit ko nagawa 'yon. Kung bakit sa dinami rami ng sikretong pwede kong sabihin ay 'yung feelings ko pa sa kaniya. Gano'n na ba ako kadesperada na magustuhan din niya para umamin? Pero sa pagkakakilala ko sa sarili ko ay hindi naman ako gano'n. Hindi ko ugaling maghabol ng taong walang gusto sa'kin. But he's an exception...




Kahit ilang beses kong itanggi na wala akong pake kung ayaw niya sa'kin. Palagi pa rin akong umaasa na baka gusto niya din ako. Palagi kong nabibigyan ng kahulugan 'yung mga simpleng bagay na ginagawa niya. Iyong mga simpleng sulyap niya sa'kin kapag magkasama kami. Iyong mga matatamis na salitang binibitawan niya, 'yong mga ngiti na binibigay niya sa'kin, 'yong mga pagtulong niya sa'kin. Ang pinakanabigyan ko ng kahulugan ay noong iligtas niya ako kila Chad at sa mga tauhan nito. Bakit kailangan niyang isugal ang sarili niya para lang maligtas ako? Kung pwede naman niya akong hayaan na lang, kahit naman best friend niya ako ay hindi niya kailangang gawin iyon, na iligtas ako kahit alam niyang malalagay ang buhay niya sa peligro. Sinong tanga ang willing mag risk ng buhay niya para iligtas ako? It's no one, but him...





Dahil sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong umasa na baka meron, na baka pwede. Isa pa sa pinagtatakahan ko ay paano niya nalaman na nasa panganib ako nung mga oras na 'yon? Sabi niya ay naramdaman niya lang daw kaya siya pumunta at nagsama ng back up para sigurado. Sabi kasi nila kapag nasa peligro o may hindi magandang  nangyayari daw sa taong mahal mo, mararamdaman mo 'yun. Kusa ka daw makakaramdam na parang may mali tapos bigla ka daw kakabahan. Paano kung kaya niya naramdaman na may hindi magandang nangyayari sa'kin ay dahil...




Until When?Where stories live. Discover now