Simula na ng second grading para sa second semester ng school year kaya naman mas lalong naging busy ang schedule namin. Kung dati ay sa major subjects lang kami busy ngayon ay halos sa lahat na ng subject.
Akala ko porket konti na lang ang subjects ay konti na lang din ang gagawin, kabaliktaran pala dahil parang mas lalo lang dumoble 'yung pagod namin kumpara noong nakaraan. Mas humirap din kasi 'yung mga lessons namin sa accounting. Akalain mong may ihihirap pa pala 'yun?
Naelect din ako as treasurer ng Yes-O club kaya dumoble pa ang responsibilidad ko dahil bukod sa president na 'ko ng klase ay may katungkulan pa 'ko sa isang club sa school. Hindi rin pala madali ang sumali sa club dahil kabi-kabila ang mga ginagawa, mga activities, projects at idagdag mo pa 'yung mga individual activities na iuutos sa'yo ng club president o kaya naman nung club adviser.
Pero ngayon ay medyo natahimik muna ang club dahil kasalukuyang namamayagpag ang SSG. Noong nakaraang buwan ay halos science club at Yes-O ang matunog pagdating sa mga activities na naganap kaya ngayon ay nag give way naman kami para sa mother club ng school which is SSG.
Because of busy schedules, hindi ko na masyadong nakikita o nakakausap si Jake. Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya. Ang huling kita ko pa sa kaniya ay noong pinapanood niya ako magperform kasama si Franco tapos bigla siyang umalis na parang nag walk out. I wonder ano kayang naramdaman niya that time at bakit bigla na lang siyang umalis?
Is he jealous? But nah, malabong mangyari 'yun. Bakit naman siya magseselos eh wala naman siyang gusto sa'kin 'di ba?
Napalunok ako at napabuntong hininga. Umiling-iling ako para makalimutan ang naiisip. Bakit gano'n? Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na wala nga 'kong gusto sa kaniya pero kabaliktaran naman nang nararamdaman ko kung anong totoo.
Gusto ko na nga ba talaga siya? No! No! Erase erase! Hindi ko siya pwedeng magustuhan kasi best friend ko siya! Ang best friend ay best friend lang dapat. Palaging may limitasyon sa bawat naramdaman. Hindi porket gusto mo siya ay paiiralin mo na lang lagi 'yung nararamdaman mo. Sometimes you should consider your friendship before your feelings.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Napahawak ako ro'n at napaupo sa monoblock na nasa tabi ko. Nasa Pelaez Memorial Hospital kami ngayon at kasalukuyang OJT namin.
Agad na lumapit sa'kin si Carmen at naupo sa tabi ko. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa'kin.
Umayos ako ng upo at inilapag ang mga kamay ko sa mesa. Ang weird lang ng ganitong pakiramdam kasi kahit na itanggi ko pa hindi pa rin ito makakatakas sa katotohanan. But still, ayoko pa rin aminin sa sarili ko. Kapag kasi inamin ko ay lalo lang akong aasa at lalo ko lang maiisip na hindi pala talaga pwede. Mabuti pang hindi ko na lang aminin at least wala akong dahilan para umasa.
"Yeah. I'm always okay," tipid na sagot ko bago ngumiti. "Don't worry about me."
Umiling naman siya. "Kung gano'n ay bakit ka humawak sa dibdib mo? May masakit ba sa'yo?" Inilapit niya ang upuan niya at inobserbahan ako. "Madalas ka bang magpuyat?"
Hindi naman ako sumagot sa tanong niyang iyon. Kahit anong tanong pa ang gawin niya tungkol sa mga pisikal ko na nararamdaman ay hindi iyon ang dahilan nang pangingirot ng dibdib ko. Masakit isipin ang bagay na iyon lalo pa't walang kasiguraduhan.
Gusto kong maiyak dahil sa pag-aalala niya sa'kin. Ayokong nag-aalala siya o kahit sino man sa kanila na mga kaibigan ko pero inaamin ko na masaya ako dahil nakikita ko sa mga mata niya ang concern. Concern na hindi ko nakita yata nakita kila Ara.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...