Kabanata IX

15 3 0
                                    

I thought everything was just a dream. But...Everything that happened in the room earlier is real. Everything that happened were still clear to my vision. Ever since I went to the room, when they told me hurtful words, how Pauline slapped me and how they tied me up until we reached the principal's office. And that's when I found out that Pau was so mad with Carmen is because she's her half sister and she's jealous of the attention their dad gives to Carmen.



Nagpalakad na 'ko ng tricycle dahil baka pagtinginan pa 'ko nung mga pasaherong naghihintay dahil sa mukha ko. I have bruises on the right side of my face due to Pau's slap. I don't know how to explain it to mama, it will definitely make her angry. Pero ayoko na sana ng gulo dahil baka ireklamo niya pa si Pauline pag nagkataon at siyempre damay 'yung mga kaibigan niya. Ayoko nga ng kaaway hangga't maaari kung kaya kong umiwas ay ako na lang ang iiwas.



Pagkadating ko sa bahay ay nadatnan ko si Kuya na nanonood ng TV habang kumakain ng piattos. Nagdire-diretso lang ako sa kusina at naghilamos.



Kainis pa'no ko ba matatanggal 'tong pasa na 'to!



Umakyat ako sa taas at nagpalit ng damit. I looked at myself in the mirror, I could still see the redness on my cheek. Ang ginawa ko ay nagpulbo ako. Muli akong humarap sa salamin at tinignan ang mukha ko. Hindi na halata ang pagkapula pero halata namang sinadya na lagyan ng maraming pulbo ang mukha.


"Bahala na. Atleast hindi na halata 'yung pasa," I said to myselft as I walk downstair.


Pagkakuha ko ng pagkain ay umupo ako sa sala at nanonood. Nagulat ako nang biglang tumawa ng malakas si Kuya.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong nakakatawa?" inis na tanong ko.


"Bakit ang puti ng mukha mo?" Muli na naman siyang tumawa ng malakas. Sa inis ko ay hinagis ko sa kaniya 'yung unan.


"Oh ba't ka galit?" tawang-tawa niya pa rin na sabi.


Inirapan ko na lang siya at nagfocus sa pagkain at panonood. Naririnig ko pa ang mahina niyang tawa pero hindi ko na lang iyon pinansin.


Ano namang movie kaya ito? American movie siya at about siya sa magkaibigan. Kaso 'yung babae parang nagkagusto siya dun sa best friend niyang lalaki kaya lang hindi sila pareho ng nararamdaman. Hindi naman alam nung boy 'yung feelings niya kaya hindi rin naman sigurado 'yung babae kung wala nga ba talagang gusto 'yung lalaki sa kaniya. Kaso biglang may pinakilala 'yung lalaki sa kaniya na isang babae, girlfriend pala nung boy.


Halah ba't ang sakit.


"Woy bakit ka umiiyak? Movie lang 'yan!" Napansin kong tumutulo na pala ang luha ko at hindi ko pa nababawasan ang pagkain ko.


I wiped my tears and start eating. Nakakainis! Bakit naman naghanap pa siya ng ibang babae? Eh nandiyan naman 'yung best friend niya! Gusto siya no'n bakit hindi na lang 'yun ang binalingan niya ng pagmamahal niya? Bakit naghanap pa siya ng iba?

Until When?Where stories live. Discover now