Nasa heart cafe shop kami ngayon at nagpapalipas ng oras habang umiinom ng milktea. Noong nakaraan pa namin napagusapan na after periodical exam ay dadaan kami dito para magrelax at magkuwentuhan.
Tinupad pa rin naman namin 'yung usapan na dadaan kami after periodical exam, iyon nga lang ay hindi na para magrelax. Wala na yata sa bokabularyo namin ang salitang iyon pagktapos ng mga nangyari at nalaman namin kanina.
Heto kami at nakaupo habang sumisipsip ng kaniya-kaniyang milktea. Tahimik at wala ni isa ang nagtatangkang bumasag ng katahimikang namamagitan sa aming lahat. Para bang ang bibig na siyang gamit sa pagsasalita ay nawalan na ng saysay.
Nagkakatinginan kami madalas pero agad ding nag-iiwas ng tingin. Si Cholo na kahit maingay ay ni hindi ko marinig na umimik man lang. Tanging paghinga lang yata nila ang naririnig ko at ang mahinang tugtog dito sa loob ng shop. Bukod pa doon ay dinig rin ang mahinang patak ng ulan. Parang ang langit ay nakikiramay sa malungkot na atmosphere.
"So..." ako na ang unang nagsalita. "Hanggang kailan tayo magtititigan dito? Anong oras na?"
Napatingin silang lahat sa'kin. Marahil ay hindi nila inaasahan na ako ang unang magsasalita.
"You know, we can talk about that here. Kaya naman tayo nandito para makipag-usap hindi ba?" dugtong ko pa.
Nagkatinginan sila at napatango tanda ng pagsang-ayon. Ang iba ay napaiwas lang ng tingin, marahil ay hindi alam ang sasabihin o irereact.
"Isa lang ang naiisip kong dahilan kaya nalaman ni Ma'am," biglang nagsalita si Kiel at agad kaming napatingin sa kaniya. "May traydor sa'tin."
Bakas ang gulat sa mga kasama namin maliban sa'min ni Kiel. Kanina pa man ay naisip ko na 'yan kaya hindi na bago sa'kin iyon.
"Sino naman?" sabat ni Ed. "Wala akong naiisip eh."
"Ako rin," pagsang-ayon ni Jeya.
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Hindi naman natin masasabi. Kilala ninyo na ba ang bawat isa sa'tin? Kahit pa sabihin mong dalawang school year na tayong magkakasama, hindi mo pa rin masasabi kung sino ang tapat at sino ang hindi," paliwanag ko pa.
Tumango ang ilan sa kanila habang ang ilan naman ay nananatiling tahimik. Para kaming nasan isang pagpupulong na nagpaplano ng isang seryosong bagay. Kulang na lang ay ang planner.
"Totoo," pagsang-ayon ni Alice. "Pero may isa pa akong hinala, paano kung ibang section ang nagsumbong?"
Sa kaniya na ngayon ang atensyon namin. Napahawak ako sa sentido ko at pilit iniisip kung paanong nangyari na ibang section ang nakaalam no'n gayong bantay na bantay nila Erick ang tapat ng room namin kanina. Isama mo pa sila Ara na nakaharang sa binatana.
Napailing ako. Imposibleng mangyari iyong sinasabi nila. Nakasisiguro ako na nasa loob lang ng classroom ang nagsumbong. Ang hindi ko lang lubos maisip ay anong dahilan niya para ilaglag ang buong klase. Napag-usapan na namin bago dumating si Sir na walang maingay at halos sabay-sabay naman silang nangako na hindi nila ipagsasabi kahit kanino. Ngayon ay ano itong nangyayari?
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...