"Anak..."
Sa sandaling iyon ay tila ba dumilim ang paligid ko. Hindi ako nakalagaw at nahihirapan din akong huminga. Biglang nanikip ang dibdib ko at parang naestatwa ako sa pwesto ko ngayon kung saan ay yakap yakap ako ng dalawang tao na hindi ko naman kilala.
Pero tinawag nila akong anak...
Noon din ay tuluyan na akong bumagsak. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil lahat sa paligid ko ay naging itim.
"I can't believe she's here, alive."
"Mee too."
"She looks like you. Very close."
"She's really beautiful."
"Of course she's our daughter."
Of course, she's our daughter...
Sa lahat ng sinabi nila ay iyon ang pinakatumatak sa akin. Limang salita lamang iyon ngunit parang libo libo ang kutsilyo na tumutusok sa dibdib ko ngayon. Kahit hindi detalyado ang mga sinasabi nila ay makahulugan iyon masyado, sapat na para maunawaan ko ang lahat. Pilitin ko man itanggi sa isip ko ang bagay na 'yon ay hindi mababago no'n ang katotohanan.
Gising na ang diwa ko dahilan para marinig ko 'yung mga usapan nila. Nananatili akong nakapikit kahit gising na ang aking diwa. Hindi sigurado kung babangon o hindi, kung dapat ko pa bang marinig ang lahat o magbingi-bingihan na lamang.
Akala ko ay maayos na ang lahat. Akala ko ay hindi na nila ako guguluhin dahil may kasunduan na kami ni Chad na kapalit ng paglayo ko sa kanila ay hindi na nila ako guguluhin. Hindi ko din naman sila masisisi dahil hindi naman nila alam ang tungkol sa usapan namin ni Chad. Bakit nga naman ito ipapaalam ni Chad kung ang kagustuhan niyang lumayo ako ay salungat sa nais mangyari ng kaniyang mga magulang?
Araw-araw akong binabalutan ng kakaibang kaba dahil sa takot na may bigla na lang ulit kumaladkad sa'kin at dalhin ako sa kung saan. Dalawang beses na iyong ginawa ni Damien sa'kin at akala ko'y ligas na ako dahil nagkasundo na kami ng amo niya sa iisang bagay. Ngunit akala ko lang pala iyon dahil heto at naulit na naman ang kinatatakutan kong mangyari. Ngunit hindi kagaya dati na si Chad ang may pakana no'n para muli akong pagbantaan, tila ba mas natatakot ako sa dahilan ngayon kung bakit ito nangyari sa'kin. Mas gugustuhin ko pa yatang pagtangkaan ni Chad kaysa makilala ang tunay kong mga magulang na noon ay inabandona ako tapos ngayon ay babalik kung kailang masaya na ako.
Sinikap ko na igalaw ang kahit mga daliri ko lamang dahil parang hindi pa kayang gumalaw ng kamay ko dahil sa sobrang panghihina hindi dahil sa pagod o kung ano man, kundi dahil sa mga nalaman ko na hindi ko na gugustuhin pang muling marinig.
YOU ARE READING
Until When?
Roman pour AdolescentsFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...