After that incident, hindi na ulit nakita pa 'yung lalaking nambugbog doon sa isa pang lalaki pero maraming sabi sabi na anak daw ito ng mga teacher kaya sinuspend daw para magtino. Sa pagkakatanda ko rin kasi, taga ibang school sila dahil nakauniform sila ng hindi kagaya nang sa'min.
Ano naman kaya atraso sa kanila at bakit kailangan pang humantong sa gano'n? Nagiging chismosa tuloy ako. Usap-usapan din kasi 'yon kanina pagpasok ko pa lang sa room.
Aside from that issue, I noticed something, hindi ako pinapansin nila Ara. Dahil ba sa groupings kahapon? Why? Shouldn't I be the one who's mad right now because they left me? Wow! Ang galing!
Wala pa ang next subject teacher namin kaya naman busy 'yung mga classmates ko magpractice nang sayaw at kanta. Sila Ara ay busy rin habang nagtatawanan, ni hindi man lang nila ako pinapansin.
"Lexa practice tayo!" tawag sa'kin ni Cholo.
Lumapit naman ako sa kanila at nakihalubilo. Pinag-usapan namin kung saan kami magpapractice at kung kailan. May nagawa na ring kanta si Carmen kaya iyon ang pinapractice namin. Napag-usapan naman namin na mamaya magpractice para sa sayaw dahil may nagawa naman nang steps si Cholo.
***
Dumating ang araw ng Biyernes at eto na rin ang performance namin sa accounting. Halos lahat kinakabahan dahil eto ang first time namin na magpeperform sa harap ni Ms. Viñales. We're hoping na magustuhan niya ang performance namin.
Group 5 kami at siyempre group 1 ang maunang magpeperform. Nagsimula nang magperform ang group 1 sumunod ang group 2 at group 3. Mukha namang nasiyahan si ma'am sa performance nila dahil napapangiti naman siya. Tama naman sila hindi naman pala masungit si ma'am, strict lang talaga.
Ang grupo na nila Ara ang susunod na magpeperform dahil group 4 sila. Sorry sorry ng Super Junior ang pinerform nila pero siyempre pinalitan nila 'yung lyrics. Napahanga ako sa sayaw nila kasi sabay-sabay talaga sila, sana nandiyan rin ako kasabay nila magperform.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa isiping iyon.
After nila magperform ay nagpalakpakan kami. Nakakaproud lang.
"Ang galing!" masayang bati ko sa kanila.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...