R-18 (Language, Violence)
"Mamimiss ko kayo mga panget!" Alice almost shouted.
"Panget? Mamimiss mo si Cholo?" Kiel said jokingly.
Cholo glared at him. "Tsss! Pero parang kailan lang 'no? Hindi pa tayo mga close pero ngayon parang ayaw na nating iwan isa't isa."
"Oo siyempre sa umpisa lang naman gano'n," sabat ni Jeya.
Last week na namin sa class. Iaannounce pa kung kailan ang enrollment at brigada pero required daw kaming umattend sa brigada.
"Ayokong umattend do'n sa brigada." Andrea pouted.
"Ang arte mo naman! Required lahat 'yon!" bulyaw sa kaniya ni Alice.
"Ang ganda ganda ko tapos paglilinisin lang?" dugtong pa niya.
Laglag panga kaming napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. Pinagbabatukan naman namin siya.
"Ako nga gwapo pero pumayag eh!" mayabang na sambit ni Kiel.
Siya naman ang pinagbabatukan namin ngayon. Masyado silang GGSS!
"Magsama kayo mga feeler!" natatawang ani Cholo.
"Pero seryoso, bakit kailangan required tayo? As in section lang ba natin?" tanong ni Jeya.
"Hindi naman yata. Ang pagkakaalam ko kasi is voluntary 'to pero nirequired kasi sa'tin ng adviser natin," mahinahon ang boses na sagot ni Carmen.
Medyo bida bida 'to si ma'am ah in fairness sa kaniya. Para siguro purihin siya dahil responsable ang mga anak niya. Gano'n ba talaga 'yun?
"Hayaan ninyo na, gawin na lang natin 'yung sinabi ni ma'am para wala na silang masabi," dagdag pa niya.
Sanay naman na kami na palaging nag-aadjust.
"Ang init t*ngina!" Nagulat kami nang malakas na sabihin iyon nang lalaking tasa section C. Si James.
Halos napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at inaayos ang gamit niya. Natahimik ang karamihan.
"Bunganga mo!" saway sa kaniya ni Aiya.
"Pasmado bibig amp*ta!" sabi nung Lance sa kaniya.
"Eh ang init nga eh ano'ng magagawa mo!?" sagot sa kaniya ni James.
"Mainit talaga aapat electric fan tapos nagsisiksikan pa tayo." Napatingin ako kay Pia na nagsalita. Nakangiwi na siya ngayon.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...