Kabanata XI

22 3 0
                                    

Natapos na ang Holliday which is halloween break kaya naman balik na sa dati ang lahat. Kung dati ay matutulog nang madaling araw at gigising ng tanghali, ngayon dapat ay matulog na nang maaga para maaga ring magising. Dati ay puro cellphone ang hawak sa buong maghapon, ngayon ay calculator at ballpen na.



Hindi naman na bago ang ganitong sitwasyon dahil madalas ay ganito naman talaga ang nakagawian ng mga estudyante, pero para sa'ming mga grade 11 na sabi nila ay babies ng senior high, ay nakakapanibago ang isang bagay na dumating sa amin, ang pagpasok ng subject na Accounting.



Kagaya ng mga naunang ABM students ay marami ring nagsasabi na ang subject daw na ito ang isa sa pinakamahirap na nakaharap nila. Hindi naman daw sa nanakot sila pero iyon daw ang totoo. At dahil na rin sa mga usap-usapan ay maraming grade 11 dati na ABM ay nagtransfer sa GAS pagdating ng grade 12.


"Halah eto na pala 'yun grabe mukhang ang hirap nga!" Ara exclaimed after she saw the topics that our Accounting teacher gave to us. Mamemeet na namin siya mamaya.


"Bakit niya naman binigay 'to? Para takutin tayo?" Jeorga said that made us look to her.


"Gaga hindi! Para siguro isulat natin sa notes." Mich answered.


Tahimik lang kami ni Chelsea na nakikinig sa usapan nilang tatlo. I admit that I'm also nervous because it's not the usual subject that we all know and grew up when we're in junior high school. Hindi ito basta math na kailangan sagutin ang isang equation, na kailangan mo lang intindihin and addition, subtraction, multiplication, at division. Dito kailangan mo nang malalim na pag-iisip at mataas na reading comprehension para hindi ka nahuhuli. And if you think that being a math genius are the basis to pass this subject, then you are definetely wrong.




"Grabe parang gusto ko nang umatras!" natatawang sabi ni Cholo.


"Tama ba 'tong pinili nating strand? Sabi ko na nga ba HUMSS talaga dapat ako eh," naiiling na sabi ni Jeya. Natatawa akong tumingin sa kaniya. Well I can agree with her, I want to be a writer but I don't know why I end up taking this strand.


"Masyado naman kayong nega, wala pa nga eh," bigla ay wika ni Carmen. "Huwag ninyo kasing isipin na mahirap, isipin ninyo 'yung pangarap ninyo."


Napatingin ako sa kaniya, mukhang pursigidong pursigido talaga siya. I admire her for being determined in pursuing her passion. Like usually sa ganitong age like us is mas lamang ang students na tinatamad mag-aral honestly. But I never find her that way, she's always that girl who wants to pursue her dreams for her family and for herself. Mapapansin mo naman 'yon sa kilos niya, hindi lang siya basta president dahil modelo namin siya. Kaya kung sino mang magsabi na walang kwenta ang president namin, siya 'yon.


"Matalino ka kasi Carmen!" biglang sabi ni Jeya.


"Hindi ah, pursigido lang."  He smiled at us.



Until When?Where stories live. Discover now