Kabanata XXVI

16 3 0
                                    

Halos isang linggo din ang tinagal ng brigada. Kahit tinatamad na kaming mag participate at pumunta sa school ay napipilitan na lang kami dahil sa mga pananakot ng adviser namin. Hindi naman literal na nananakot, pero palagi niyang sinasabi sa GC na wala daw aakyat sa stage kapag hindi kami nagparticipate.


Bukod sa naglinis kami ng buong room namin ay nagbuhat pa kami ng upuan papunta sa bago naming lilipatan na building. Hindi naman gano'n kalayo 'yung lugar na paglilipatan namin pero konti lang 'yung pick up na meron ang school kaya para mas mapabilis ay nilakad na lang namin mula school papunta sa paglilipatan, habang buhat buhat namin 'yung mga upuan kaya sobra kaming napagod. Hindi talaga gano'n kadali ang paglilipat.



Para kaming nasa isang parada, nakapila habang naglalakad papunta sa patutunguhan. May mga sasakyan na bumubusina sa'min dahil bukod sa masikip na nga 'yung daan ay nakadagdag pa kami sa pagkain ng espasyo. Lalo tuloy natraffic.


Busy ako ngayon sa pagluluto ng almusal. Nagsangag ako tsaka nagprito ng bacon at nag-gisa ng corn beef. Nandito ako ngayon sa bahay nila Tita nagbabakasyon. Sabi ni Mama ay mas makakabuti raw muna ito para hindi ako mahanap ng mga Suarez. Iyon lang ang inaalala nila sa pasukan, baka raw mahanap na naman ako ni Chad at gawan ng masama. Hindi pa naghihilom ang sugat na gawa niya, halata pa rin ito sa kanang pisngi ko.


Kagaya ng iba ay nagtanong rin sila Tita kung anong nangyari sa sugat ko sa pisngi, wala namang dahilan para magsinungaling ako sa kanila dahil alam naman nila ang past ko, pamilya ko sila eh. Gulat rin sila nang malaman ito kaya naman they suggest na dito muna ako kahit mga isang buwan.


Sa totoo lang, dalawa ang kinatatakutan ko. Bukod sa natatakot ako na makita ulit ako ni Chad at saktan niya ako ulit, natatakot rin ako na baka 'pag natunton ako nila Angelo at Elissa Suarez ay ilayo nila ako kila Mama. The latter scared me the most.


Nang matapos ko na ang niluluto ay tinawag ko na sila Tita na nasa sala para mag-almusal. Agad naman silang lumapit at naupo. Bukod kay Tita at Tito, dito rin nakatira si Lola kasama nila at siyempre ang 12 years old anak nila Tita na si Aliyah.


"Ang galing naman ng chef natin!" masayang puri ni Tita sakin.


"Oo nga pwede nang mag asawa!" kantyaw sa'kin ni Tito. Sinamaan siya ni Tita ng tingin. "Ay hindi pa pala pwede. Mag-aral ka muna ah."


Natatawa naman akong tumango. "Opo." 


"Saka na 'yang boyfriend na 'yan," sambit pa ni Tita.


"May nanliligaw na ba sa'yo Alexa?" biglang tanong ni lola.


Napalingon ako sa kaniya. Katabi ko siya at sa kaliwa ko naman si Aliyah na tahimik na nakikinig at kumakain. Bigla akong kinabahan sa tanong na iyon ni Lola. Hindi ko naman inaasahan na sa ganitong usapan mauuwi ang simpleng pang-aasar sa'kin ni Tito.



Wala ni isa sa pamilya ko ang nakakaalam ng tungkol kay Brent, ni hindi nga nila ito kilala dahil wala naman akong nababanggit tungkol sa kaniya. Hindi ko nga rin alam kung paano ko naitago 'yung gano'ng relasyon namin ng tatlong taon. No'ng Grade 9 ako ay minsan nang may nanligaw sa'kin, sinabi ko iyon kay Mama dahil first time kong maranasan na ligawan. Pero nagulat ako dahil nagalit siya, inutusan niya 'ko na bustedin 'yung nanliligaw sa'kin at sabihin na hindi pa ako pwedeng magboyfriend. Kaya simula no'n kapag may nanliligaw ulit sa'kin, binabusted ko agad at hindi na sinasabi kay Mama dahil ayokong magalit ulit siya sa'kin.

Until When?Where stories live. Discover now