Kabanata XX

20 3 0
                                    

Nakadekwatro ngayon si Brent habang diretsong nakatingin sa'min ni Jake. Nang tuluyan kaming makalapit ay nagpaalam na si Jake na babalik siya sa pwesto niya.


Hindi pa rin umiimik si Brent. Hindi na siya nakatingin sa'kin ngayon.


"G-Galit ka ba?" kabadong tanong ko.


Tumingin siya sa'kin nang diretso. Binigyan niya 'ko nang nalulungkot na tingin. Galit kaya siya?


"No. You just said earlier that you're tired." Batid kong may pakahulugan ang sinabi niyang iyon.


"Yeah," iyon na lang ang tanging nasagot ko. Pakiramdam ko ay labis ang pagkakapahiya ko ngayon.


Marahil ay iniisip na niya ngayon kung bakit ako pumayag kay Jake na makipagsayaw gayong kasasabi ko lang na pagod na 'ko.


Pakiramdam ko kasi nawala ang pagod ko noong makita ko si Jake. Bakit ganoon ang epekto niya sa'kin?


Mahal ko na ba talaga siya?


Kahit ilang beses kong itanggi ang nararamdaman ko, kabaliktaran 'yon nang kung anong totoo.


"Okay lang. Huwag mo nang isipin 'yon magpahinga ka na," nakangiting sabi niya.


Kahit pa sabihin niya 'yon ay ramdam ko pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. I wish I could forget him easily and focus on you.


Sana nga ay kaya ko pa...







"Parang kailan lang tayo nagkakilakilala tapos mag-eend na class," ani Alice habang nagpapahid kunwari ng luha kahit wala naman.


"Ang sabihin mo mamimiss mo 'ko!" mayabang na sabi ni Kiel.


Sinamaan siya ng tingin ni Alice. Bigla nitong kinuha ang notebook na nasa harapan at biglang hinagis kay Kiel. Naiwasan naman iyon ni Kiel.


"Wala ka talagang masabing maganda noh?" mataray nitong sabi.


"Alice," nakangiting sabi ni Kiel.


"Anong Alice?" nagtatakang tanong ni Cholo.


"Maganda." Bigla naman kaming naghiyawan pagkarinig no'n.


Mukhang isa-isa nang nagkakajowa mga kaklase ko ah. Sino naman kayang sunod?


"Oh Cholo galaw galaw!" nang-aasar na sabi ni Ed.


"Lul gaya ninyo 'ko sa inyo eh ang bait bait ko!" buwelta niya.


Sus tiklop ka nga kay Carmen eh.

Until When?Where stories live. Discover now