"English Month Singing Contest"
Nakalagay sa isang poster na nakadikit sa kahabaan ng hallway ng buong Mathematics building. Mukhang maraming sasali dahil maraming singer dito sa school, pero mas maraming feeling singer.
"Bakit? Sasali ka?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Anak ng tokwa talaga 'tong kumag na 'to parang kabute!
"Ano ba! Ang lakas ng boses mo nakakagulat!"
"Bakit mo tinitignan 'yan? Sasali ka?" tanong ulit ng kaibigan kong si Jake.
"Hindi ah! Alam ko naman na maeeliminate ako agad." Napairap ako. Bitter.
"Paano mo naman nasabi? Hawak mo ba ang desisyon ng judges?"
"Maraming magagaling kumanta dito sa school kaya malabong makuha ako, kaya wag na lang," medyo malungkot kong sabi.
Totoo naman. Kung iisa-isahin lang pakantahin ang lahat ngstudents dito sa school panigurado maraming papasok sa audition.
"Sus! Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Kayang kaya mo yan!" Napangiti ako. Buti pa yung best friend ko may tiwala sa'kin samantalang ako sa sarili ko parang wala.
Naglakad kami ni Jake papuntang classroom. Section C siya habang section A naman ako. ABM ako at STEM naman siya. Nahahati kasi sa tatlong sections ang bawat strand so ABM A ako while he's STEM C. Nasa iisang building naman ang room namin.
Sa fourth floor ang room ko habang sa second floor naman siya kaya bago pa makapasok ay sobrang sakit na ng paa ko dahil bukod sa malayo ang nilalakad ko mula sa binababaan ng tricycle na sinasakyan ko ay ang taas pa ng inaakyat ko.
Napatingin ako kay Jake na parang malalim ang iniisip
"Huy!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya. "Lalim yata ng iniisip mo?"
"Kung sumali ka kaya," seryoso niyang sabi
"Hah? Ano ka ba 'wag mo nang isipin 'yon!"
"Pero Lexi, wala namang masama kung susubukan mo," seryoso pa rin niyang sabi.
"Wala rin namang masama kung hindi ko susubukan." I smiled before walking upstairs. Nasa second floor na kami kaya iniwan ko na siya nang hindi na nagpapaalam. Ewan pero medyo nainis ako kasi parang pinipilit niya 'kong sumali.
It's not that I don't want to join the contest, I just don't like it, possibly, if my classmates tease me or make fun of me about that. Halos lahat ng mga kaklase ko sumasali sa mga singing contest at masasabi kong magaling naman talaga sila. Iyon nga lang kapag may isang sumali tapos first timer eh pagtatawanan nila at lalait laitin dahil nga siguro hindi naman sila sanay makita yung tao na 'yon na kumanta sa harap ng maraming tao lalo pa at contest.
Si Pau, isa sa mga singer namin sa classroom. Isa rin sa pinakainaayawan kong kaklase. Mga bully kasi 'yang mga 'yan kaya iniiwasan ko na lang bago ko pa maingudngod yung mukha nila sa pader. Bukod pa do'n, mahilig 'yan mang-agaw. Bagay man 'yan o posisyon, o kahit lalaki pa. Pero bandang huli siya pa may ganang magalit. Kaya nalalayuan ko na lang 'yan pati nung iba kong mga kaibigan.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...