Maaga pa lang ay nagising na ako dahil sa malakas na tugtog sa paligid. Nang magbangon ako ay nakita ko sila mama na nagpeprepare ng mga gamit at susuotin. Napangiti akong lumapit sa kaniya at yumakap sa likod niya.
Batid kong nakangiti na siya ngayon kahit hindi ko man makita. Napansin kong makalat sa lamesa at mukhang nagbake siya. Nagtataka akong tumingin kay mama nang kumalas sa pagkakayakap. Bakit naman kailangan pa niyang magbake eh nakabili naman na?
"Ano 'to ma?" nagtataka kong tanong. "Bakit ka nagbabake? May cake naman na na nabili ah?"
"Ano ka ba para dito lang 'yan sa'tin," nakangiti niyang sagot.
Natawa naman ako. "Kailangan pa ba 'yun? HAHAHAHA! Pero salamat ma."
"Happy Birthday," nakangiting bati niya tsaka ako niyakap nang mahigpit.
"Thank you ma! I love you!"
Ang totoo niyan ay noong Miyerkules pa ang birthday ko pero dahil weekdays ay hindi makakaattend ang ilan sa mga relatives ko kaya tinapat na lang na Sabado. Ang ilan din sa mga kaklase ko ay nagbakasyon dahil semestral break.
Minadali ko ang pagkain ng almusal at pagbibihis para makarating agad ng maaga sa venue nang maayusan din agad nung magmamake-up.
Kasama sila mama, papa at kuya ay sinundo kami ni Troy dito sa bahay papunta sa Glass Garden. Malayo iyon galing sa bahay kaya mainam na rin na inagahan namin ang pagpunta doon.
Pagdating namin ay sinalubong kami ng ilan sa mga stuffs para batiin. Masaya nila kaming pinapasok at sinimulang ayusan nang makarating kami sa kaniya-kaniyang room.
Si Ate Reign na siyang make-up artist ko for today ay isa sa pinakasikat ngayon at kilala rin ang pangalan. Medyo nashock pa ako dahil kilala rin kasi talaga siya sa buong Luzon. Nakapagmake-up na siya ng mga artista kaya naman hindi ako makapaniwala na siya ang make-up artist ko ngayon.
"Ang ganda ganda mo naman Alexa," nakangiting sabi niya nang simulan niya akong lagyan ng concealer.
"Hindi naman po masyado," natatawa kong sabi. "Hindi pa rin po ako makapaniwala na kayo ang make-up artist ko sa debut ko!"
Mahina siyang natawa. "Bakit naman?"
"Kasi 'di ba po sikat kayong make-up artist. Tapos naging make-up artist na din po kayo ng ilang artista."
"Ayon ba?" Natawa ulit siya. "Salamat. But it's my pleasure to give a service to the one and only heir of the Suarez."
Nabigla naman ako sa sinabi niya. "Ehhh, si Chadwick po yata 'yun."
"Ano ka ba! Ang tagal kang hinanap ng parents mo. You shouldn't say that." Ngumiti siya at hinawi ang buhok ko na tumatakip sa kanang bahagi ng pisngi ko.
"S-Salamat po..." iyon na lamang ang nausal ko.
"You don't have to thank me. It's always my pleasure to work with you, Miss Alexa."
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga mga recognition na natatanggap ko mula sa iba't ibang tao. Yes I already accepted in myself that I'm the daughter of Mr. Angelo and Mrs. Elissa Suarez, one of the most influential, rich and powerful people here in our country but still, naninibago pa din ako sa mga ganitong bagay. Iniisip ko pa din na baka panaginip lang ito. Pero kahit anong sampal ko sa sarili ko ay hindi ako magising dahil hindi naman ako nananaginip, totoo ito, totoo ang lahat.
Ala sais ang simula ng party pero anong oras pa lang at mukhang marami rami nang tao. Nasa loob pa rin ako at nagbibihis ako ng itim na gown. The Great Gatsby ang theme nitong party. Actually ay ako ang pinapapili nila daddy ng theme para sa debut party, gusto ko sana ay sa resort lang sana kaso maraming guest ang darating. Mga business partners nila dad ang karamihan sa bisita, nakakahiya naman kung sa isang cheap na venue lang tapos malalaking tao ang mga bisita kaya hinayaan ko na lang sila na magdecide kung saang venue at anong magandang theme.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...