Kabanata XVII

29 2 0
                                    

"Malapit na prom ah, may kapartner ka na?" Jeorga asked in the middle of our lunch.


Umiling ako. "Wala pa eh. Kayo?" Napatingin sila sa'kin.


"Of course may Kenneth si Ara! Ako wala pa," nakangusong sagot  ni Mich.


"Okay lang 'yan, Mich. Makakahanap ka rin ng sasayaw sa'yo sa mismong prom," natatawang buyo sa kaniya ni Jeorga.


"Sus 'kala mo naman may partner ka na!"


"Bastos ka ah!"



Napuno ng tawanan ang buong lunch namin. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Brent last time. Hindi na ulit kami nagkausap simula no'n. Hindi ko rin siya nasagot nang maayos dahil nagmamadali akong umuwi. Not because kailangan ko na talagang umuwi, gusto ko lang takasan yung tanong niya kasi hindi ko talaga alam ang isasagot ko.


Hindi ko alam bakit nasabi ko naman na sa sarili ko na bubuksan ko ulit yung puso ko para sa kaniya kasi baka meron din kahit konti pero ngayon hindi ko naman maintindihan itong inaasta ko.



"Ang aarte ng mga panget na 'to 'kala mo sila lang naiinitan!" inis na sabi ni Ara.


"Huwag ka maingay tangek! Baka marinig ka," saway sa kaniya ni Jeoega.


Paano kasi ay halatang pinapakita nila sa'min na nahihirapan sila sa pwesto nila dahil siksikan sila sa likod at mainit pa. Seriously, malamig dito sa room noong wala sila. Bukod sa apat na ceiling fan ay may isa pa kaming electric fan na malaki sa harap at konti lang naman kami rito sa room hindi kagaya nila na mas marami.


Pagkatapos ng klase ay napagkasunduan muna naming dumaan sa SM para magpalamig at doon maglunch. Bibili raw kasi si Ara ng regalo kay Kenneth dahil Valentines na bukas.


Okay na ulit kaming lima at sa kanila na ulit ako sumasabay pauwi.


Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating rin kami sa SM. Konti lang ang tao dahil weekdays pero may ilan rin kaming nakikitang students. Sana lang ay tapos na ang klase nila at hindi sila nagcucutting.


"Ano bang bibilhin mo?" tanong ni Mich kay Ara.


"Hindi ko nga alam eh. Damit? Pabango? Ewan," sagot nito.


"Ay kaloka ka hah! Dapat nakahanda na 'yung bibilhin mo!"


"Kaya nga dito ako nagpunta para makapili!" Inirapan lang siya ni Mich.


"Kain muna tayo," biglang yaya ni Chelsea.


"Oh sige. Saan tayo?" baling ko sa kaniya.


"Chowking na lang para di masyadong mahaba pila," sagot ni Mich at sumang-ayon naman kami.

Until When?Where stories live. Discover now