Kabanata XLIX

16 3 0
                                    

JAKE'S POINT OF VIEW


Grade 7 pa lang kami pansin ko na siya. Mahaba ang buhok, morena, matangos ang ilong, may naniningkit ng mga mata, hugis puso ang noo at may mala kulay rosas na labi, hindi katangkaran at higit sa lahat, maganda. Aminado naman ako na maganda siya kaya napansin ko agad siya pero hindi ko siya gusto noon. Masyadong tutok ang atensyon ko sa anime, sa mga mobile games, at siyempre sa pag-aaral. Kilala ko siya sa mukha at pangalan pero hindi ang pagkatao at ugali niya. Hindi naman kasi kami close kahit magkaklase kami dahil may kaniya-kaniya kaming circle of friends.

Pagdating ng grade 8 ay hindi ko inaasahang magiging kaklase ko ulit siya. Pero kagaya lang din nung grade 7 ay hindi ko siya masyadong pinagtutuunan ng atensyon. Wala namang dahilan para ituon ko ang atensyon sa isang babaeng wala din namang pakialam sa'kin. Dahil parehong A ang surname namin ay pareho kaming nakaupo sa row 1. Gano'n din naman kami nung grade 7 kaso iba na pagdating ng grade 8. Naging busy kami dahil sa maraming group activity na hindi naman namin naranasan noon.

Madalas kaming mag-groupings after uwian dahil pang-umaga kami. At dahil nga pareho kaming 'A' ang surname, palagi kaming magkagrupo. Alphabetical order kasi ang palaging way ng paggugrupo nila sa amin. Sa tuwing may groupings kami, hindi ko maiwasang mapatingin palagi sa kaniya. Ewan ko rin pero sa dinami rami ng babae sa classroom eh siya lang talaga 'yung palaging nahahagip ng mata ko at nakakapukaw ng atensyon ko.

Kapag tinitingnan ko siya ay doon ko nasasaulo ang kabuuan niya. Hindi siya katulad ng ibang babae na pang model ang ganda, pero maganda rin siya. Hanggang sa kakatingin ko sa kaniya ay nasaulo ko na yata ang bawat detalye ng mukha niya. Masaya ako sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing nakakasama at nakakahalubilo ko siya. Minsan nga ay hinihiling ko na sana palaging may groupings para palagi ko siyang makakasama at makikita.

Hindi ko siya gaanong nakakausap. Palagi niya lang kausap ang mga kaibigan niya. Gustuhin ko man siyang kausapin o lapitan man lang ay hindi ko na halos magawa dahil sa hiya at mga pang-aasar sa'min nina Marky at Anthoni. Dati ay nagagawa ko siyang kausapin kahit paano. Nagtatanong ako tungkol sa mga assignments namin at sinasagot naman niya ako. Pero simula nang asarin kami nila Marky at Anthoni ay napansin kong lumalayo na siya sa'kin. Kapag tinatanong ko siya ay tipid na lang siya kung sumagot. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya akong kausap. Palagi na rin siyang umiiwas, nararamdaman pa lang niyang palapit ako ay naglalakad na siya palayo.



Ayoko lang aminin sa sarili ko ang totoo kong nararamdaman. Alam ko kasing hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko. Pero kahit anong tanggi ko ay alam kong doon din papunta 'yon. Gusto ko siya. Pero hindi niya ako gusto kaya sinikap kong kalimutan ang nararamdaman ko. Pero ayun sila Marky at Anthoni na panay pa rin ang pang-aasar sa'min. Alam kong hindi siya komportable sa ginagawa nung dalawa kaya minsan parang gusto ko na lang silang sapakin.

*Flashback*

Nasa stadium kami para sa groupings sa Filipino. Kaniya-kaniyang pwesto ang bawat grupo. Ingay ng mga lider ang pinakamalakas na maririnig ngunit bukod doon ay tawanan ng mga makukulit nilang miyembro.


Ang lider namin ay busy sa pag-iisip ng costume at props para sa role playing presentation namin bukas. Maaga pa ang pasok namin at papalubog na rin ang araw. Ang iba naming kagrupo ay tahimik lang na nakikinig sa instructions ng lider namin habang sila Anthoni at Marky naman ay nangtitrip sa ibang members.

Until When?Where stories live. Discover now