Kabanata VI

30 2 0
                                    

Umalis na ako doon dahil hindi ko na kayang makita na nagtatawanan sila. Call me OA or mababaw pero nasasaktan talaga ako. At naiinis ako kasi 'yon ang nararamdaman ko. But I can't help it!


Sa pagmamadali kong maglakad ay may nakabunggo ako, nalaglag 'yung mga gamit na dala niya.


"Tatanga tanga kasi!" narinig kong sabi nung babae.


Pagtingin ko ay isang matangkad na babae na may patch na 'G12' at 'Cookery' sa may uniform niya. Tinulugan ko naman siya na pulutin 'yung mga gamit niya.


"Sorry po." Yumuko ako ngunit bigla niya akong nilampasan. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.


Nararamdaman kong namumuo na ang luha sa mata ko. Bakit gano'n? Bakit ko naramdaman 'to?

Wala kang karapatan magselos Alexa, kaibigan ka lang 'di ba?


Yeah that's right, I'm just a friend at wala akong karapatang maramdaman 'yun. Pero anong magagawa ko? Eh sa ito nararamdaman ko eh! Hindi ko naman 'to ginusto, kusa ko 'tong naramdaman.


Nang palabas na ako ng school ay nakita ko sina Ara at Kenneth sa may waiting shed. Nakakandong si Ara sa right leg ni Kenneth at nakapulupot ang kamay nito sa batok ng lalaki. Sobrang sweet nila. Siguro nga sila na, ayaw lang nilang aminin. Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating sa terminal ng tricycle.


Ang haba ng pila. Labasan din kasi ng students kaya ang daming pasahero. Parang bigla naman sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil sa init or what.


After almost 10 minutes, finally nakasakay rin ako. Habang nasa tricycle ay napansin kong parang tingin ng tingin sa'kin 'yung katabi ko. What's your problem?


Naisip ko kung baka may dumi ba ako sa mukha or what. I looked at, myself in the mirror just to check if may dumi ba sa mukha ko or what, doon ko lang napansin na ang pula na pala ng mata ko kaiiyak.


I thought I was so good at holding back tears, hindi ko napansin na talagang umiiyak na pala ako, kanina pa! Nagtakip na lang ako ng panyo para naman kahit papaano ay hindi masyadong halata ang pamumula ng mata ko.


Pagbaba ko ay nagbayad na ako at dali-daling tumakbo papasok sa bahay namin. Hindi ako pwedeng makita nila mama na ganito dahil hindi ko alam kung anong idadahilan ko.


Pagdating ko sa kusina ay agad akong naghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang pula pa rin kaya inulit ko ang paghilamos at sinamahan ko na rin ng sabon. Pagkatapos ay nagpunas ako ng mukha. Hindi pa rin nawawala 'yung pamumula ng mata ko pero atleast hindi na kagaya nung kanina.


Dumiretso ako sa kusina para kumain. Pagkatapos ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nagtataka ako bakit parang wala sila kuya at mama. Nagpunta ako sa kwarto nila mama at nakita kong natutulog si mama, nasa trabaho si papa.


Nagpunta naman ako sa kwarto ni kuya at tulog rin siya, nakanganga pa! Kadiri talaga.


Until When?Where stories live. Discover now