Kabanata XLI

15 2 1
                                    

"Lexa? Have you seen Ezekiel?"


Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Jeya habang nakapangalumbaba at pinanonood siyang ipagpatuloy 'yung portrait ng isang lalaki . Napangiwi ako nang mapansin na si Ace pala 'yun. May something kaya silang dalawa? Kasi madalas ko silang makita na nag-aasaran. Para silang aso at pusa. Palagi kasing inaasar ni Jeya si Ace ng bakla tapos 'yung isa naman pikon na pikon. Ewan ko ba kung bakit siya napipikon eh totoo naman na bakla siya. Pero sa totoo lang bagay naman sila eh, isang bading tapos isang babaeng siga kumilos. HAHAHAHAHAHAHAHA!




"Lexa? Nakita mo ba si Kiel?"



Halos lahat na ng kaibigan ko may mga love life, ako na lang yata ang wala. Si Alice at Kiel palaging inaasar ng mga kaklase namin, mukha naman silang bagay eh. Si Kiel kasi madalas bumanat ng sweet lines kay Alice tapos si Alice naman binabatukan lang si Kiel bilang sagot pero halata naman na kinikilig din siya, sobrang pula nga niya minsan kapag kinikilig eh. Tapos si Ed naman tsaka Andeng madalas magkasama, ewan ko rin kung anong real score sa dalawang 'yun pero 'pag tinatanong namin kung ano ba talaga sila eh dinideny lang ni Andeng tapos si Ed naman tahimik lang. While Cholo, obvious naman na may gusto siya kay Carmen, ewan ko lang kay Carmen kasi hindi ko gaanong napepredict mga actions at gestures niya dahil tahimik lang siya though siya 'yung madalas kong kausap.



"Lexa? Si Kiel kako nakita mo ba?"




While me? Heto at naghihintay sa isang bagay na malabong mangyari. Kahit naman isipin ko na nandiyan si Brent para sa'kin, hindi ko pa rin naman masasabi na siya na nga 'yung love life na maituturing ko dahil hindi naman kami pareho ng nararamdaman. Kahit gustuhin ko man ay hindi ko talaga siya magawang mahalin pabalik. Kung pwede ko lang utusan ang puso ko na ibaling na lang sa kaniya ang pagmamahal na mayroon ako sa isang lalaking hindi naman kayang sukilan ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya, gagawin ko. Kasi sa totoo lang kahit ako ay nahihirapan na rin sa nararamdaman ko.



Gustong gusto ko na siyang kalimutan pero ayaw ng puso ko...



"Lexa to Earth? Nakita mo ba si Kiel?"




Kahit na alam kong hindi niya ako gusto dahil may iba siyang nagugustuhan, may parte pa rin sa'kin na umaasa na baka meron, baka pwede. I noticed how he took a glance of me whenever I'm not looking at him, because I always caught him staring at me then he will avoid his gaze when he notice that I'm looking at him too. How he took a photo of me when we're riding the Wheel of Fate. The way he said 'marami pa namang ibang lalaki diyan'. I remember the day when he saved me from the bastard men of Chad, he carries me and was rescued me from that abandoned place like he's my knight and I'm his queen. Gosh, I can't explain my feelings that time. Sa ginawa niyang iyon ay tila ba mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko na hindi ko na yata kayang makaahon pa.



"Lexa!"



Kaya kahit hindi niya sabihin na wala, umaasa ako na meron.




"Lexa?"



Pero kung gusto niya ako ay puwedeng pwede naman siyang umamin! Bakit niya ba kailangan itago?



"Lexa..."



If I were a man, I'm going to tell the one I like about what I'm feeling for her. I will not wait the day until it's too late.



"Lexa nandiyan si Jake!"



Awtomatiko akong napatingin kay Alice na siya palang nagsalita pagkabanggit niya ng pangalang iyon.


Until When?Where stories live. Discover now