Kabanata IV

36 4 0
                                    

Nagpalakpakan ang mga tao matapos kong sabihin ang huling line. Napatayo ang ibang students especially mga kaklase ko. Si Jake naman ngayon ay sobrang ngiti habang nakatingin sa'kin at nag thumbs up pa siya. Nginitian ko naman siya at tumango.


Napansin ko na nagpalakpakan rin 'yung mga judges at mukha namang satisfied sila sa ginawa ko. Pero nakatawag pansin ko ay 'yung mga ICT students na halos buhatin si Brent dahil sa tuwa sabay hiyawan. Sinaway sila nung isang teacher dahil masyado silang maingay.


Napatingin ako kay Brent na sobra siyang nakangiti ngayon. He's being teased by his friends na halatang mga kilig na kilig. I suddenly felt annoyed. Why are they so happy ? Baka nga hindi ninyo alam title nung kinanta ko. At saka hindi naman para kay Brent 'yon! Mga assuming!


"You're Ms. Alvarez, right?" biglang tanong sa'kin nung isang judge.


"Yes po," magalang kong sagot habang tumatango.


"You mesemerized us. Good job!" iyon lang ang sinabi niya at binaba na niya ang mic.


"Thank you po," sa sobrang pasasalamat ko ay nakailang bow pa ako. I think a 90 degree bow to be exact. Hindi pa naman ako panalo pero feeling ko 'yung mga sinabi nilang iyon ay sobrang saya ko na.


"Thank you Ms. Alvarez," the host replied.


Bumaba na ako para pumuntang backstage. Grabe nakakaoverwhelm. Ganito pala ang feeling nang sumasali. Siguro nakakalungkot kapag hindi nila nagustuhan 'yung performance mo pero sobrang nakakaoverwhelm naman kapag nakita mo 'yung mga tao na chinicheer ka at natutuwa sila sa ipinakita mo, especially 'yung mga judges.


"Anong gayuma naman ang ipinainom mo sa judges?" mataray na sabi ni Pauline.


"Anong gayuma? Lahat nang 'yon ay natural, walang halong kemikal" nang-aasar kong sabi.


"Ewww ang jeje mo talaga!" Inirapan niya ako bago umalis.


Kapag ako talaga nanalo isasampal ko sa kaniya 'yung trophy. Nakakagigil eh. Nakakaubos nang pasensya.


After magperform nang mga sumunod na contestant hanggang sa matapos magperform 'yung pinakahuli. Tinawag naman kami isa-isa para sa pagannounce nung winner.


3 ang iaannounce na winner. 2nd runner up, 1st runner up, at English Month Singing Contest Champion. Each winner will receive a cash prize. Ang 2nd runner up ay makakatanggap ng 500 pesos with medal. Ang 1st runner up naman ay makakatanggap ng 1,000 pesos at medal rin samantalang ang champion ay makakatanggap ng 3,000 at trophy. The rest of the contestant na hindi papalaring makasama sa top 3 ay makakarecieve ng certificate.


Inannounce na ang winner at nasa 2nd place si Jennah, 'yung STEM at dating crush ni Jake. Nang iannounce naman ang 1st place ay tinawag ang pangalan ni Pauline. Biglang naghiyawan ang section namin.


Bigla akong nakaramdam ng kaba. Si Jennah na nga ang 1st place, ano pa kaya ako? 2nd place nga lang ang hinahabol ko eh. Imposible namang ako 'yung manalo eh si Pauline nga 1st place lang. Ineexpect ko pa naman na siya ang mananalo, ano naman laban ko do'n eh palagi 'yung sumasali nang singing contest at sanay na sanay na siya. Tapos ako first timer, malabo na nga na mag 2nd place ako, tapos champion pa? Ang kapal naman ng mukha ko na mag-assume na mananalo ako eh hindi naman ako magali---

Until When?Where stories live. Discover now