Kabanata XVI

17 3 0
                                    

Pagpasok ko sa room ay nagkakagulo sila. Sa hindi malamang dahilan ay nasa kabilang side lang 'yung mga kaklase ko at may taga ibang section na nakapwesto sa kabilang side nitong room.


"Anong meron?" tanong ko kay Ara na bitbit na ang kaniyang bagbag.


"Magmemerge daw tayo kasama 'yung kabilang section."


Ano?


"B-Bakit naman sa'tin pa?" irita kong sabi.


"Ewan ko rin eh pero 'di ba napag-usapan na rin 'to last time hindi lang talaga expected na sa'tin sila mapupunta."


Sapilitan akong pumasok sa loob at laylay ang balikat na pumunta sa pwesto nila Carmen.


Tinignan niya ako at sinipat. Kinunutan ko naman siya ng noo. Bigla niya akong hinipo na para bang tinitignan kung may lagnat ba ako.


"Wala akong lagnat." I gave her a non-expression look.


"Wala? Pero matamlay ka?" She frowned, still examining my whole existence. "Wala namang may gusto nito eh. Pero I hope makasundo natin sila."


I sighed. I just hope so.


Tinignan ko ang mga kaklase ko na nakasimangot habang inaayos ang upuan. Gusto kong matawa sa mga hitsura nila ngayon. Pero hindi nila dapat ipakita ang ganitong ekspresyon dahil baka isipin na masyado kaming maarte.


Nakakatawa ang mga mukha nila ngayon. Para silang dinaya sa exam. Itong kabilang section naman hindi rin maipinta ang pagmumukha, halatang ayaw rin nila dito. Well, wala silang karapatang magreklamo dahil nandito sila sa baluarte namin.


Nasa left side kami sa may tabi ng pinto habang sila ay nasa kanan. Nasa harap ang president nila na si Aiya at pinagagalitan ang mga kaklase niya.


Biglang dumating ang teacher namin sa RW. Siya ang first subject namin and siyempre dahil iba na rin ang mga subjects ay may mga adjustment.

"Nasa baba pa lang ako dinig na dinig ko na ingay ninyo. Ano ba ABM? Acad kayo tapos ganiyan kayo umasal?" sermon niya sa'min.


Acad kayo! Acad kayo! Acad kayo!


Palagi na lang 'yan ang naririnig ko sa kanila especially dito kay Ms. Regalado. So kapag acad hindi na pwedeng magkamali? Kailangan perfect lagi? Napakataas ng expectation nila lagi sa'min. Kapag may mababang nakakakuha ng score iisipin agad nila na hindi nababagay sa strand na 'to dahil pang matalino 'raw' ang ABM.


So what? Required bang maging matalino para matupad mo ang pangarap mo? Paano naman 'pag masipag ka lang? Hindi ka na pwedeng maging accountant kahit gusto mo?


Disgusting mindset.


"Bumaba na kayo para sa flag ceremony," seryoso niyang sabi at umalis.

Until When?Where stories live. Discover now