Kabanata XXXIV

13 3 0
                                    

Maaga akong nagising at nagbihis para pumasok. Exam kasi namin ngayon kaya hindi pwedeng ma-late. Kapag kasi na-late ka ay hindi ikaw ang hihintayin dahil magsisimula na silang mag-exam kahit wala ka.


E sino ba naman ako para hintayin 'di ba?


Napailing ako sa sariling naisip.


Hindi na kagaya ng dati na pagkababa ko ng tricycle ay konti na lang ang lalakarin at nando'n na sa school. Iba na ngayon dahil lumipat na kami ng building. Mga 100 steps mula sa dati naming school papunta ro'n, isama mo pa ang init kaya nakakapagod lalo. Tapos nasa fourth floor pa 'yung room namin.



Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang makita ko ang isang pamilyar na tindig sa may di kalayuan. Suot niya ang itim na t shirt at itim na slacks.


Hindi tulad ng dati ay hindi na ako nakaramdam ng takot sa tuwing makikita ko siya. Pero nakaramdam naman ako ng inis. Bakit kailangan palagi nila akong mamanmanan?



Nakatingin lang siya sa'kin nang diretso. Nagsindi siya ng sigarilyo at muling tumingin sa gawi ko. Maya-maya ay ngumisi siya.

 


Hindi na ako natatakot sa kaniya pero natatakot pa rin ako sa amo niya dahil kahit nagkausap na kami ay hindi ako nakakasiguro na wala na siyang masayang gagawin sa'kin.




Lumapit ako sa gawi niya na halatang 'kinagulat niya. Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya mula sa nakangisi ay ngayo'y gulat na.



"Ano na naman bang kailangan ninyo sa'kin?" inis na tanong ko.



Bahagya siyang natawa. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'to bakit parang akala niya palagi akong nagbibiro. Normal lang ba talaga sa kaniya ang matawa kahit wala namang dahilan?



"Anong nakakatawa?" dugtong ko pa.



"Huwag kang masyado high blood, Alexa. Baka wala kang masagot sa exam niyan," tugon niya.



Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman na may exam kami ngayon? Sobrang pang-iistalk na ba ang ginagawa nila?



"Stalker!"I shouted then point at him. "Ano ba talagang kailangan ninyo sa'kin? Nag-usap na tayo hindi ba?"



Hindi siya sumagot at sa halip ay humithit ng kaniyang sigarilyo. Inubos niya iyon at itinapon sa kung saan tsaka nagpagpag na animo'y nadumihan ang kaniyang damit dahil lang sa paninigarilyo.


"Baka late ka na," tipid na sagot niya.



Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Halos nasigawan ko na siya tapos iyon lang ang isasagot niya?

"Bakit ninyo ba ako minamanmanan?" naiiritang sabi ko.


"Iyon ang utos sa'kin ni Chad, pagpasensyahan mo na," naiiling na tugon niya.



"Bwisit siya kamo!" inis na sabi ko. "Malinaw ang usapan namin na hindi na niya ako guguluhin kapalit nang hindi rin ako magpapakilala o magpapakita sa tunay kong mga magulang. Ano bang mahirap intindihin do'n?"


Until When?Where stories live. Discover now