Kabanata XXIX

20 3 0
                                    

"Saan ka ba galing?" Alice asked while crunching her chips.


"Diyan lang," tipid na sagot ko.


Mukhang hindi siya satisfied sa sagot ko. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kaniya.


I frowned. "Why?"


"Diyan lang? Kasama 'yung best friend mo kuno," aniya at ngumisi.


Hindi ko maintindihan ang inaasal niya ngayon. Buong akala ko ay wala lang sa kanila iyon, nabibigyan pala nila ng meaning sa tuwing magkasama kami.


"Ah may usapan kasi kami," pagsisinungaling ko.


Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag, mukhang lalo lang naman nila akong aasarin.


"Usapan?" She grinned. "Okay." Natawa siya.


I raised my eyebrows while looking at her. Bakit parang big deal na sa kanila iyon? Or masyado ba akong halata?


Lumapit ako sa kanila na busy na ngayon magkuwentuhan. They look so happy while sharing their laughs and stories together. Buti na lang at nandiyan sila, at least they made me feel that I'm worth.


"Lexa hah! Nako nako!" nang-aasar na wika ni Cholo.


"Kaya pala wala ka kanina ah," panggagatong ni Ed. 


"Dalaga ka na Lexa! Congrats!" buyo ni Kiel at tinusok pa ang tagiliran ko . "Invite mo kami sa kasal."


Binatukan ko siya pagkatapos niyang sabihin iyon. "Baliw ka! Mga tamang hinala na naman kayo noh!" I rolled my eyes on them.


"Pero kinikilig ka naman?" kantyaw pa ni Cholo.


"Hindi." Umiling ako.


"Taray hindi defensive, kinikilig kasi kaya gano'n! HAHAHAHAHA." Sabay-sabay silang natawa.


Inirapan ko na lang sila. Kapag giniit ko na hindi, sasabihin nila na defensive pero 'pag mahinahon naman na sagot sasabihin nila hindi defensive kasi kinikilig. Iyong totoo? Saan ako lulugar?


"Tama na nga 'yan masyado ninyo nang inaasar si Lexa," saway sa kanila ni Carmen.


Sa kanilang lahat si Carmen lang talaga 'yung makakausap mo nang maayos, the rest ay puro pang-aasar na lang ang alam. Kapag 'yung isa nang-asar 'yung iba naman manggagatong pa para lalong mang-inis. Pero kahit ganiyan 'yang mga 'yan mahal ko 'yan. Hindi sila nang-iiwan hindi kagaya nang iba diyan.


"Dalaga na siya yieeee!" ayaw paawat na sabi ni Cholo.


Siya naman ang binatukan ko. Kahit sinaway na ay hindi matigil. At mas lalo lang siyang nagiging mapang-asar kapag sinasaway. Pero tiklop naman kay Carmen. Hah!

Until When?Where stories live. Discover now