Kabanata XIX

24 2 0
                                    

Jake...




Nasa may hindi kalayuan siya nakapuwesto at malungkot ang mga mata niya pero diretso siyang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung napansin ni Brent na hindi na ako sa kaniya nakatingin kahit may sinasabi pa siya. Mga ilang segundo rin kaming nasa gano'ng posisyon habang nakatitig kami ni Jake sa isa't isa.



Bigla siyang nawala sa paningin ko. Umalis siya at hindi ko na ito nasundan pa ng tingin dahil sa maraming tao ang nakatayo at nakaharang. Napabuntong hininga pa siya bago nag-iwas ng tingin at nagklakad palayo.


Umalis ako sa pagkakasandal kay Brent. Pilit hinanap ng mga mata ko si Jake pero masyadong maraming tao ang nandito kaya hindi ko na makita kung nasaan siya.


"May problema ba?" biglang tanong ni Brent.


Napalingon ako sa kaniya at umiling. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay labis kong nasaktan si Jake dahil sa nakita niya. 


Ayoko namang mag-assume na iyon nga ang nararamdaman ko pero hindi ko kasi maiwasang maisip ang bagay na 'yon. Pero imposible naman. Anong dahilan niya para maramdaman 'yon?



"Hindi ka yata okay." Tinignan ako sa mata ni Brent. "Sinong hinahanap mo?"


Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam ang isasagot ko. Umiling na lang ako at pumunta sa upuan namin kanina. Batid kong nagulat siya nang iwan ko siya sa pwesto namin at maglakad palayo. Naguguluhan ako sa lahat ng nakikita at nararamdaman ko.


"Oh bakit? Tapos na kayo sumayaw ni Papa Brent?" tanong sa'kin ni Mich nang makaupo ako.


Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. Pakiramdam ko ay maiiyak ako. Sana ay hindi ko na lang nakita si Jake nang mga oras na 'yon at sana lang rin ay hindi niya na kami nakita. Mas lalo lang tuloy ako naguluhan sa nararamdaman ko.


"Iaannounce na 'yung King and Queen of the night!" excited na sabi ni Jeogra.


"Hulaan tayo kung sino?" nanghahamon na sabi ni Ara.


"Go!" malakas na sabi ni Mich.




Tahimik lang ako habang busy sila sa panghuhula kung sino ang magiging King and Queen of the night. 


"Pustahan na lang oh!" malakas na sabi ni Ara.


Iyong sigawan nila ay tila bulungan lang dahil malakas ang sound system at maingay rin ang paligid dahil maraming tao.


"Hoy 'wag nga kayong magsugal dito!" saway sa kanila ni Cholo.


"Ang ingay mo!"

Until When?Where stories live. Discover now