Kabanata XXXII

18 3 0
                                    

"Kamusta 'yung tour ninyo sa Ateneo?" tanong sa'kin ni Andeng na nasa tabi ko at ngumangata ng banana chips.


Pagkauwi ko sa bahay after no'n ay inalis ko na agad sa isip ko lahat ng mga nangyari. Isa-isa kong tiningnan 'yung mga pictures na kinuha ko. Sinikap kong ibaling ang atensyon ko sa mga pictures at pilit inaalala ang mga sinabi ni Ate Faye tungkol sa bawat lugar na dinadaan namin pero nauuwi rin sa inis dahil palagi kong naaalala 'yung tungkol kay Jake.


Mahilig pala siya sa mga taga Ateneo huh?


Napailing na lang ako sa inis. Kahit kasi hindi ko inaalala ay pilit pumapasok sa utak ko ang lahat ng scenario na nangyari kahapon. Bigla na naman tuloy uminit ulo ko.


"Hello? Alexa to Earth?" Bumalik lang ako sa reyalidad nang sabihin niya iyon.


"S-sorry," mutawi ko. "A-Ano nga ulit 'yung tanong mo?"


Sinamaan niya 'ko ng tingin. "Kamusta kako 'yung tour ninyo sa Ateneo!" pag-uulit niya sa malakas na boses.


Hindi ulit ako nakasagot. Kahit pilit kong kinalilimutan ay kusang pumapasok sa isip ko ang bagay na iyon. Para siyang scenario na paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko. Napaisip tuloy ako, gusto ko na ba talaga siya? Bakit umiinit ang dugo ko kapag nakikita ko siyang malapit sa ibang babae? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung nagseselos ba ako o talagang naiinis lang ako kapag may kasama siyang ibang babae?


Pero pareho lang naman 'yon at isa lang ang patutunguhan. Kung hindi ako nagseselos ay bakit ako naiinis kapag may kasama siyang iba? Hindi ba't iyon naman ang depinisyon ng pagseselos? At bakit naman ako nagseselos? Gusto ko na ba siya?


No hindi! Hindi ko siya gusto! Hindi ko siya puwedeng magustuhan kasi hindi niya naman ako magugustuhan kagaya ng pagkagusto ko sa kaniya kung meron man.


"Okay lang," tipid kong sagot.


Lalo niya akong sinamaan ng tingin. "Ang tagal mong nag-isip tapos 'okay lang' ang isasagot mo?" hindi makapaniwalang sabi niya.


Natawa naman ako sa inasal niya. Kahit sino naman siguro ay gano'n ang magiging reaksyon kagaya nang kay Andeng.


Pero kamusta nga ba ang tour namin? I mean, if I'll be the one who's going to answer, how was it? Honestly ay masaya naman, masaya naman dapat. Nakapagtour ako sa dream school ko, nainspired ako sa speech ng isang dating simpleng estudyante na katulad ko na nangangarap makapag-aral doon. Masaya naman talaga, sana, pero kung sa kabuuan ang titinginan hindi ko masabi kung masaya ba or what.


"Nag-enjoy ako! Dream school ko 'yun eh!" I answered cheerfully.


"Itutuloy mo na ba diyan?" She raised her eyebrows.


"Oo naman!" excited na sagot ko.


"Pero pag-isipan mong mabuti hah. Hindi naman sa tinatakot kita pero you know naman na sa umpisa lang ganiyan. Yes nakakaexcite sa una pero later on kapag nando'n ka na mararanasan mo lahat ng consequences."

Until When?Where stories live. Discover now