Nag-uunahan ang mga kaklase ko sa paglabas ng room ngayong uwian sa hindi malaman na dahilan. Nagmamadali sila at tumatakbo na 'kala mo ay may artista sa labas na matagal na nilang inaabangan.
Naguguluhan akong sinukbit ang bag ko at sumunod sa kung anong pinagkakaguluhan nila. Nakakapagtaka naman na parang may artista sa labas kaya sila nagkakaganiyan. Pero parang imposible naman na mangyari 'yon dahil wala namang bali-balita na may bibisita na artista dito sa school o kaya naman may magshoshooting ng palabas.
Napansin kong nagmamadali ring lumabas sila Alice at hawak-hawak ang kamay ni Andeng at Jeya habang si Carmen naman ay tatawa-tawang sumunod sa kanila. Dala na rin ng kyuryosidad ay sumunod ako sa kanila. Dahil nasa ikaapat pa kami na palapag ay kinakailangan pang bumaba nang pagkalayo-layo. Ang akala ko naman ay nasa labas lang iyong tinitilian nila.
Gulat ako nang mapansing may ibang section din na nagmamadaling lumabas ng room nila at kasabay na rin namin ngayong pababa at halos mga nagtitilian din. Taka akong napalingon sa kanila at pinakinggan ang usapan nila.
"Grabe magiging couple goals 'yun panigurado!" sabi nung chubby na babae.
"Oo 'te sinabi mo pa! Susubaybayan ko love story niyan!" sabi naman nung bading na kasama niya.
"Oo grabe! Mala kathniel siguro ang kalalabasan no'n."
"Sinabi mo pa!"
"Excuse me?" anang ko at napatingin naman silang pareho sa gawi ko. "Ano bang meron at nagkakagulo kayo?"
Kapwa sila nagulat sa sinabi ko.
"Sigurado ka bang hindi mo alam?" takang sabi sa'kin nung chubby na babae.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" mataray na sabi ko. Hindi ko naman inaasahan na gano'n ang magiging reaksyon ko.
"Punta ka na lang sa baba at malalaman mo!" sagot niya.
"Oo nga! Tara na 'te!" Bumaba na sila habang pareho pang kinikilig.
Kunot-noo akong bumaba at sumunod sa mga nagkakagulong tao. Hinanap ko kung nasaan sila Carmen pero sa dami ng mga taong nagsisibabaan ay hindi ko na makita ni anino nila. Puro taga ibang strand na ang nandito at nakakapagtakang puro STEM at kaklase pa ni Jake.
Sa halip na hanapin sila Carmen ay si Jake na lamang ang hinanap ng mata ko. Pinilit kong isa-isahin ang mga STEM students na dumadaan pero wala akong makita ni anino niya. Matangkad si Jake kaya mabilis lang siyang mahanap. Iyong buhok niya ay naka side part plus mid fade cut. Katamtaman lang ang katawan, hindi payat pero hindi rin naman mataba ngunit ang tindig niya ay medyo kuba.
Sa inis ko dahil hindi ko siya makita ay bumaba na lang ako at sumunod sa mga naglalakad pababa. Ang dami nang mga taong nagkumpulan kaya hinintay ko muna sila na maunang makababa.
Nang makababa ako ay mas madami na ang taong nagkukumpulan sa baba. Sa sobrang daming tao at siksikan ay pinilit ko lang isksik ang sarili ko dahil hindi ko makita kung anong nangyayari sa gitna. Para tuloy akong nasa Quiapo kulang na lang ay magtaas kami ng panyo dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/217883278-288-k708601.jpg)
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...