Kabanata XXII

26 3 0
                                    

Awtomatiko akong napatalikod at naglakad palayo sa kanila. Ramdam ko ang mga patak ng luha na tumutulo sa pisngi ko.


Kainis! Bakit ba ako umiiyak?!



Binilisan ko pa ang lakad ko para makalayo agad ako sa lugar na 'yon. Kaya pala hindi ko siya mahanap kanina pa. Kaya pala wala siya sa room nila. Kaya pala hindi man lang niya ako magawang ichat kung tuloy ba o hindi. May iba na pala kasi siyang kasama.


"Lexa!" Biglang may humaltak sa'kin. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Jake.


Hindi ako nakapagsalita at tanging paglunok lang ang nagawa ko. Seryoso siyang nakatingin sa'kin ngayon. Gustong gusto ko itanong kung bakit kasama niya ang babaeng 'yan sa halip na ako, pero tila ba umurong ang dila ko nang mga oras na 'yon.


Ilang beses akong napakurap habang diretsong nakatingin sa kaniya at gano'n din siya sa'kin. Hindi alintana ang nangyayari sa paligid, kung may makakita man sa'min o may makapansin.


Please don't look at me like that.


"Lexa?" Natauhan lang ako nang ulitin niyang banggitin ang pangalan ko.


Binitawan niya ang braso ko na kanina ay hawak niya. Napailing siya habang napaiwas naman ako ng tingin. I made a fake cough to ease some awkwardness. Pero mas lalo lang yata iyong nakadagdag.


"Jake? Una na ako." Doon ko lang napansin na nasa likod pala si Ella. I automatically rolled my eyes when I saw her.


"Ahh yeah. Thank you sa time." Nakangiting sabi sa kaniya ni Jake.


Umalis na si Ella at naiwan naman kaming dalawa ni Jake do'n. Bakit pakiramdam ko sobra na 'tong awkwardness na meron sa pagitan namin ni Jake? Does he know it? Gosh, I shouldn't overthink like that!


"Bakit ka mag-isa naglalakad? Nakapagenroll ka na ba?" tanong sa akin ni Jake.


"Bakit kasama mo 'yung babaeng 'yon?"


Biglang nanlaki ang mata namin pareho. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko iyon. Pero pakiramdam ko ay wala nang bawian iyon at mukhang tama lang naman na sinabi ko 'yon.


Bakit nga naman kasi sila magkasama tapos enrollment pa? Kung hindi ba naman----


"We're just having some time alone," tipid na sagot niya.


Some time alone? Pakiramdam ko ay ako rin ang napahiya dahil do'n. Sana pala ay hindi na lang ako nagtanong.


"Okay," napapahiyang sagot ko.


Naglakad na ako palayo sa kaniya. Pero mabagal lang ang lakad ko, pinapakiramdaman ko kung sumusunod siya sa'kin. Napalingon ako at nakita kong nando'n pa rin siya sa pwesto namin kanina.

Until When?Where stories live. Discover now